CHAPTER 20

50 19 0
                                    

CHOOSE ME, YZARINA
WRITTEN BY:  IamVillain_1

I smiled at Emerson bago ako umangkas sa motor nito at nagsimula ng umalis. Kumaway pa sa amin si Abby bago pa man kami nakakaalis. I smiled at her at kinawayan din siya bago tuluyang nawala kami sa paningin niya.

I took a deep sigh at isinandal na lang ang ulo ko sa likuran ni Emerson habang pinapanood ang mga taong nadadaanan namin na ipinagdiriwang ang piesta sa lugar na ito.

Isang ngiti ang sumilay sa aking labi nang makalabas na kami sa barangay na iyon. Malayo-layo pa ang lalakbayin namin bago kami makakauwi sa Manila.

Hindi pa man kami nakakalayo ay muntik na akong mahulog ng biglang huminto ang motor. Mabuti na lang at may abs itong si Emerson kaya matibay ang pagkakapit ko doon.

"Shit! Nasiraan tayo" galit na wika ni Emerson.

"What? Motor na lang nga itong sinasakyan natin nasiraan pa" sigaw ko kay Emerson. Hindi na ako dapat magtagal pa dito dahil kailangan ko ng umuwi dahil tiyak na nag-aalala na si Benedict. Gabing-gabi na kaya malamang naghihintay na iyon sa akin.

Napakamot ako sa ulo ko habang pinapanood ko si Emerson na nag-aayos ng motor. Hanggang ngayon ba naman may kamalasan pa din?

Speaking of Kamalasan, agad namang uminit ang ulo ko ng biglang bumuhos ang ulan. Shit! Bakit ngayon pa?

Agad namang hinubad ni Emerson ang jacket niya. Lumapit ito sa akin at ipinandong nito ang jacket nito sa ulo ko saka mabilis na tumakbo. Kakabuhos pa lang ng ulan pero malakas na kaagad ito.

Magkahawak ang aking kamay na tumatakbo sa gitna ng ulan. Ang hirap humanap ng masisilungan dahil nasa labas na kami ng barangay at kunti na lang ang bahay dito.

Agad naman kaming pumara nang makakita kami ng tricycle na patungo sa direksiyon namin.
Agad naman kaming sumakay doon nang huminto ito.

"Saan po kayo mga iho at iha?" tanong ng driver ng tricycle. Nasa mid-30 na ang edad nito.

"Uuwi na po sana kami ng Manila kaso nasiraan po kami at umulan pa po" pagpapaliwanag ko.

"Naku iha at iho, delikado ng umuwi ngayon ng Manila lalo pa't ganito kalakas ang ulan, mabuti pa at sa amin muna kayo manuluyan" suhestiyon ng driver.

"Maraming salamat po Sir" pagpapasalamat ko dito.

"Mang Kiko na lang ang tawag niyo sa akin" wika nito.

"Ako nga pala si Yzarina at ito po ang kaibigan kong si Emerson" pagpapakilala ko kay Mang Kiko. Huminto kami sa isang pamilyar na bahay. Kung hindi ako nagkakamali, ito yung bahay ni......

"Daddy!" narinig kong sigaw ni Abby at mabilis na tumakbo sa kinaroroonan ni Mang Kiko at niyakap ito. Nagulat ako ng mapagtanto ko kung kaninong bahay ito. Bahay ito nila Abby. Hindi kaya si Maam Kiko ang ama ni Abby.

"Ate Yzarina! Kuya Emerson!" Agad naman akong lumuhod at sinalubong ang yakap ni Abby. Ganon din si Emerson, sinalubong niya din ang yakap ni Abby.

"Oh mahal, nakauwi ka na pala?" tanong ni Maam Amanda kay Mang Kiko nang makita niya ito.

"Oo mahal, nadaanan ko pa itong dalawang ito sa daan, dito muna sila manuluyan dahil lubhang delikado na kung uuwi pa sila ng manila" pagpapaliwanag ni Mang Kiko.

"Oh Yzarina at Emerson, kayo pala iyan" ani ni Maam Amanda ng makita niya kami. Binigyan niya kami ng isang ngiti at sinuklian din namin ng ngiti.

"Paano nga pala nakauwi dito si Abby?" Nagtatakang tanong ni Mang Kiko.

Choose Me, YZARINATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon