CHAPTER 23

43 14 4
                                    

CHOOSE ME, YZARINA
WRITTEN BY: IamVillain_1

"Hey" bati ko kay Benedict nang makita ko siya sa gate nung uwian na.

"Want a surprise?" He asked habang kasalukuyang nakangiti na naging dahilan kung bakit nakalabas ang dimple nito na nagiging dahilan kung bakit mas lalong naging cute ang bestfriend ko.

"Anong meron-" hindi ko na napatapos pa ang itatanong ko nang bigla akong hinila ni Benedict papunta sa bisekleta niya. Pinapiring niya pa ako dahil gaya nga ng sabi niya, surprise daw.

"Just trust me" narinig kong bulong sa akin ni Benedict nang nagsimula na siyang magpatakbo ng bisekleta habang naka-angkas ako sa kaniya.

Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin pero may tiwala naman ako kay Benedict. May tiwala ako sa bestfriend ko. Isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya habang nasa gitna ng byahe.

"Yzarina, masaya ka ba na naging bestfriend mo ako?" narinig kong tanong ni Benedict. Ang seryoso ng boses niya. Napangiti naman ako sa tanong niya habang inaalala ang mga araw na kasama ko si Benedict. Ang mga araw na iyon ang dahilan kung bakit hindi lang isang bestfriend ang turing ki kay Benedict. He is my family. Siya na lang natitirang pamilya.

"Siyempre naman, bata pa lang tayo hindi ko na pinagsisisihan na ikaw na ang naging bestfriend ko" nakangitig wika ko habang nakasandal sa balikat niya.

"Ako din, hindi ko din pinagsisihan iyon" narinig kong wika nito at naramdaman ko ang paghinto ng bisekleta. "Kapag may narinig kang kanta, pwede mo ng tanggalin ang nakapiring sayo" dagdag pa nito sa kalmadong tono. Hindi ko alam ang pinaplano nitong bestfriend ko pero may tiwala naman ako sa kaniya.

Nakatayo na ako ngayon at hinihintay ko na lang ang senyales na pwede kong tanggalin ang nakapiring sa akin.

Napatigil na lang ako nang marinig ko ang pagtugtog ng gitara ni Benedict. Napapangiti ako habang naririnig ko ang kumpas niya ng paggitara.

"Wala akong pera,
walang magarang sasakyan
At kung sasabihin ako ay
simpleng tao lang
Alam ko namang sadyang
Malagkayo ang ating mundo
Ngunit aking ipapangako"

Dahan-dahan kong itinanggal ang pagkakapiring sa akin habang nakangiting pinakinggan ang pagkanta ni Benedict. Ang tamis ng boses at hindi mo maiiwasang hindi mapangiti habang pinapakinggan ang malambing niyang boses.

Nandito kami ngayon sa burol na kung saan palaging tambayan at dito din kami madalas magbonding. Dapit-hapon at kitang-kita sa burol na ito ang unti-unting paglubog ng araw. Tatlong metro ang pagitan namin ni Benedict ngayon. Kasalukuyan siyang nakaluhod sa akin habang hawak nito ang gitara nito at kumakanta. Napapalibutan din kami ng mga kandila na siyang nagbibigay liwanag sa lugar na ito.

I looked at Benedict na kasalukuyan ding nakatitig sa akin. Nakikita ko ang kumikislap na mga mata dahil sa repleka ng mga kandilang nakapalibot sa amin. He was smiling trough smiling.

Kapag tinitingnan ko ang mga mata ngayon ni Benedict. Bumabalik sa akin lahat ng ala-ala na hindi ko malilimutan kasama siya. Pareho kaming ulila sa buhay pero hindi namin naramdaman iyon dahil sa aming pagsasama na parang magkapatid ang turingan. Alam kong mahira lang kami pero mayaman sa saya at pagmamahalan bilang magkaibigan.

Choose Me, YZARINATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon