CHAPTER 22

42 16 0
                                    

CHOOSE ME, YZARINA
WRITTEN BY: IamVillain_1

"Makikita ko pa ba kayo?" umiiyak na wika ni Abby. Nasa likod nito sina Maam Amanda at Mang Kiko maging si Bea na sumisilip lang sa pituan.

Well, alam kong hindi madaling umalis sa lugar na ito. Sa sandaling panahon ng pananatili ko dito, napamahal na din ako sa pamilyang ito. They treatened me and Emerson as a part of their family kahit sa sandaling panahon lang. Hindi ko makakalimutan ang mga tulong nila sa amin ni Emerson at hindi ko din makakalimutan ang mga masasayang ala-ala ko dito sa lugar na ito.

I kneel down at Abby's front. I smiled at her at agad ko namang pinanusan ang mga luha nito. Sa totoo niyan, I want to cry too dahil napamahal na din sa akin si Abby kaso alam kong mas lalo lanh itong iiyak kapag umiyak din ako.

"Stop Cry, dont worry bibisita din naman kami ni Kuya Emerson mo dito" I said at unti-unting tumigil ang pag-iyak nito.

"Promise?" Tanong ni Abby. I smiled at her.

"Promise" si Emerson na mismo ang nagsagot nun. He was standing behind me. I looked at him and I gave him a smile.

Agad naman akong tumayo at hinarap sina Mang Kiko at Maam Amanda.

"Gusto ko po sanang magpasalamat sa inyo, sa lahat-lahat. Dont worry po bibisita pa din po kami dito" pagpapasalamat ko kay Mang Kiko at Maam Amanda. I looked at Bea. I know na hindi maganda ang pakikitungo ni Bea sa pamilya. I tried to talk to her pero inirapan niya lang ako. I hope that someday she realized na mali ang ginagawa niya.

"Tara na?" Yaya sa akin ni Spencer. Kahit ang suot niya ang ibinigay na damit ni Mang Kiko ay ang gwapo niya pa din tingnan kahit luma na ang pormahan nito.

I glance at Abby's sa huling pagkakataon and I gave them a farewell smile. Tumingin ako kay Emerson na kasalukuyan lang din ngayong nakatitig sa akin.

Isa sa mga bagay na hindi ko malilimutan sa lugar na ito ay ang ala-alang kasama ko si Emerson. Naalala ko pa kahapon ang pagconfess niya sa akin. Alam kong naiilang kasama ang mga taong nagtatapat sa atin ng ganoon pero ayaw kong masira ang pagkakaibigan namin ni Emerson. I know na hindi maganda ang pakikitungo namin sa isat-isa minsan, pero para sa akin isa pa ding mabuting kaibigan si Emerson. Bakulaw nga lang kung minsan.

Alam kong alam niyang hindi ko pa kayang tugunan ang pagconfess niya sa akin dahil alam kong hindi pa ito ang tamang panahon. Kung darating man ang tamang panahon, sana handa na ang puso ko sa oras na iyon.

Spencer likes me and Emerson likes me too. Alam kong hindi madali ang nararamdaman nila. Hindi ko din naman silang pwedeng sisihin dahil nagmamahal lang din naman sila diba? Kaya nga dapat palagi kong paghandaan ang puso ko kung darating man ang tamang panahon na iyon. Kung saan kailan kong magdesisyon kung sino nga ba?

"Ano tititigan mo na lang ba ako?" Nagulat na lang ako nang marealize ko na kanina pa pala ako makatitig kay Emerson habang lumilipad ang isip ko. Hindi ko na lang ito pinansin at nakangiting umangkas kay Emerson. Mabuti na lang at naayos na ang motor ni Emerson. Hindi mo na maaatim na masira pa muli ito dahil alam kong nag-aalala na sa akin si Benedict at miss ko na din siya.

Nakatingin lang ako sa boung paligid habang nasa byahe kami. Lalo na yung paalis kami sa Brgy. Buenavista. Marami kasi akong ala-ala sa lugar na ito kahit sa sandaling panahon lang at itinatatak ko sa isip ko ang detalye ng lugar na ito dahil hindi ko alam kung kailan ako makakabalik sa lugar na ito.

Hindi din naman nagtagal ang byahe namin at nakauwi din kami ng Manila. Hindi pa man kami nakakarating sa bahay ay agad ko nang ipinara at sinabi kay Emerson na dito niya na lang ako ibaba na hindi din naman kalayuan sa bahay namin.

Choose Me, YZARINATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon