CHOOSE ME, YZARINA
WRITTEN BY: IamVillain_1Nandito ako sa cafeteria dahil breaktime na. Sinimulan kong hanapin si Benedict sa paligid pero hindi ko siya nakita. Siguro may pinagkakaahabalahan iyon.
Maya-maya lang ay kinuha ko na ang order kong one cup of sopas at umupo na ng mag-isa sa isang table. Iyan lang ang binili ko para makatipid na din.
"Hi, ikaw ba yung girl na kasama ni Spencer na kahalikan na pinagilatan ni Prof. Wilton kanina , right?" wika ng isang babaing kumalabit sa akin at umupo sa harapan ko. Maganda at maputi ang mukha nito, black curly hair, pulang labi, blue eyes, may nakakaakit na pilikmata, makinis rin ang nga balat nito, at mamahalin din ang sout nitong damit. Sino naman kaya ang babaing ito?, malamang classmate ko siya dahil alam niya na ako ang isa sa pinagalitan ni Prof kanina.
"Oo ako 'yun, pero hindi ko kahalikan si Spencer, nagkataon lang na magkalapit ang mukha namin humihingi kasi ako ng sorry sa kaniya dahil ako ang dahilan kung bakit siya na late" aniko at ngumiti lang ang babaing kaharap ko ngayon.
"By the way, I am Samantha Nicole Alvares and I am also Spencer's cousin" pagpapakilala niya sa akin na at iniabot niya sa akin ang kaniyang palad at nakipagkamay naman ako. Pinsan pala siya ni Spencer, buti na lang hindi siya katulad ni Spencer na sobrang sungit.
"Im Yzarina. Yzarina Punsalan" pagpapakilala ko at ngumiti naman ito sa akin.
"Wow nice name, hayaan mo na lang ang pinsan kong si Spencer, ganoon talaga iyon, hindi mahilig mamansin at palaging seryoso, hindi ko na rin siya masisisi dahil ipinalaki talaga siyang ganiyan ni tito, siya kasi ang nag-iisang tagapagmana ng kompanya kaya iyon simula pagkabata hindi man lang nakahawak si Spencer ng laruan at hindi man lang pinayagang makapaglaro sa ibang mga bata, kailangan kasing makapaghanda si Spencer bilang tagaoagmana ng Business n tito and kaya palaging mapag-isa at palaging tahimik si Spencer kahit nga maging akong pinsan niya hindi ko man lang siyang nakitang ngumiti kahit minsan lang, kaya lumaki si Spencer na palaging seryoso at cold, palagi ring tahimik at ayaw na ayaw niyang pinapakialam man siya kaya pagpasensiyahan mo na" kwento ni Samantha. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko, pero kasi parang naaawa ako kay Spencer. Ang lungkot naman ng buhay niya. Sinusunod niya ang lahat ng kagustuhan ng papa niya samantalang siya hindi niya nagagawa ang gusto niya. Siguro mas gwapo siya kapag nakangiti pero malabo yatang ngumiti siya.
"Hmmm... Samantha kukuha lang ako ng tubig" pamamaalam ko kay Samantha bago tumayo dala ang mangkok na pinagkainan ko ng sopas, ibabalik ko na rin itong sopas ko dahil hindi ko rin nagustuhan ang lasa at konti lang rin ang nakain ko. Ngumiti naman si Samantha sa akin bago tuluyang umalis sa kinatatayuan ko.
"Can you get me a water too?" tanong sa akin ni Samantha.
"Sure" sagot ko dito at ngumiti naman ako sa kaniya bago tuluyang tumalikod ako sa kaniya.
Pagkaharap ko ay hindi sinasadyang mabangga ko ang isang babaing naglalakad na busy sa pagseselfie at hindi sinasadyang mahulog sa sahig ang cellphone niya.
"What the hell have you done!" galit na sigaw nito sa akin. Malakas niya akong tinulak at mumuntikang masubsob ang aking mukha sa may lamesa. Hindi ko kilala ang babaing ito pero batay sa sout niya mukha siyang mayaman. I looked from her ID at nabasa ko ang pangalang Charity Park. Malamang iyon ang pangalan ng babaing ito. Agad namang dumating si Samantha at inalalayan ako.
"Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Samantha at inalalayan ko.
"Bulag ka ba, ang laki-laki ng mga mata mo pero hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo" malakas na sigaw muli sa akin ng babae at sa pagkakataong iyon ay nakapalibot na sa amin ang atension ng mga studyante dito sa cafeteria.
"Youre not watching your way too idiot, this is a cafeteria and this is not the right place to take a picture with your face" sigaw naman ni Samantha sa babaing kaharap namin ngayon na nangangalang Charity. Agad ko namang inawat si Samantha dahil baka kung ano pang gulo ang manyari.
"Huwag ka ngang mangialam dito, huwag kang mag-alala dahil ikaw ang isusunod ko sa kaniya" sigaw naman ni Charity kay Samantha. Sinamaan ng tingin ni Samantha si Charity pero agad ko namang pinigilan si Samantha sa ano pa mang pwede niyang gawin.
"Tara na Samantha, aalis na tayo" bulong ko kay Samantha at huminahon naman ito. Hindi ko dapat patulan ang babaing ito dahil wala naman itong kakahitnannan. Ayaw ko naman kasing magsimula ng gulo. Agad naman kaming tumalikod at umalis.
Pagkatalikod ko ay bigla niya na lang hinila ang buhok ko. Nakita ko rin na hinawakan ng mga kaibigan ni Charity si Samantha.
"Huwag ka kasing tatalikod kapag kinakausap pa kita, sa susunod kasi huwag kang patanga-tanga at tumingin ka sa kung sino mang binabangga mo" ramdam ko ang sakit sa aking anit ng dahil sa pagkakahila niya sa buhok ko.
"Sino ba kasi ang mga magulang mo, ano klaseng magulang ang mayroon ka, siguro pokpok ang mama mo at adik naman ang papa mo siguro iyon ang pinagmulan ng kutong-lupang katulad mo!" bigla na lang kumulo ang dugo ko sa mga sinabi niya at hindi ko na mapigilan pa ang sarili ko.
Mabilis kong hinablot ang isang basong tubig sa may lamesang malapit sa akin at ibinuhos ko ito sa kaniya. Okay lang na tapakan niya ako pero huwag na huwag niyang babastusin ang pagkatao ko. Nagulat naman ito at napatigil sa pagkakasambunot sa akin.
"Tapos ka na?" matapang na tanong ko dito "Pwes ako naman!" galit na wika ko at mabilis na inatake siya at mahigpit siyang sinambunutan. Agad namang nagsigawan ang mga studyanteng nakapaligid sa amin.
Agad ko namang isinubsob ang mukha niya sa may platong may tirang pagkain at ginawa kong map ang mukha niya. Umiyak na ito dahil sa sakit pero nababagay lang iyon sa mayabang na babaing nagmamakataas na katulad niya.
Mas lalo pang dumami ang mga ibang studyanteng na nanood sa amin. Ang iba nagsisigawan at ang iba naman nagtatawanan.
"Sumusobra ka na!" sigaw ni Charity sa akin at lumaban sa pagkakasambunot ko sa kaniya pero hindi ko siya inatrasan.
Malakas ko itong tinulak at nakatuwad itong naglagapak sa sahig. Sanay na akong makipaglaban lalong-lalo na kapag pinagpagtanggol ko si Benedict sa mga nakaka-away nito.
Magkabila kong hinawakan ang kaniyang mga paa at nakabukaka ko itong ginuyod at nilampaso sa sahig palibot ng cafeteria. Napuno ng tawanan ang loob ng cafeteria.
Agad ko namang tinigil ang paglalampaso sa kaniya ng makita ko siyang umiiyak.Hindi mo alam kung sino ang kinakalaban mo, bitch!
#IamVillain_1
BINABASA MO ANG
Choose Me, YZARINA
Romance"I am your Knight and you are my Princess. In my whole life, I am with you and I want to be with you forever. I used to be your bestfriend but I love you more than for being a bestfriend. I love you Yzarina. CHOOSE ME, YZARINA" "I came from a reall...