CHAPTER 14

58 23 0
                                    

CHOOSE ME, YZARINA
WRITTEN BY: IamVillain_1

"Magkano po ang bill?" tanong ko sa nurse. Lalabas na kasi si Benedict dito sa hospital dahil maayos na din naman siya.

"No need na po Miss, already paid na po" Agad namang napakunot ang noo ko sa sinabi ni nurse.

"Already paid? Sigurado ka po? Baka po nagkamali lang kayo ng pagbasa" I said at pinatingnan muli ang listahan.

"Already paid na po talaga Miss, si Mr. Spencer Trinidad na po ang nagbayad" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Nurse. Si Spencer ang nagbayad? Ginawa niya iyon? Mukhang marami na akong kailangang bayaran sa kaniya.

"Let's go my Princess" yaya sa akin ni Benedict at sumakay na siya sa kaniyang bisekleta. Nakangiting lumapit ako sa kaniya at umangkas. Sa totoo nga niyan, na miss ko ang moment na ganito kasama ang bestfriend ko pero siyempre mas na miss ko ang bestfriend ko.

Mabuti nga at mabuti na ang kalagayan nitong si Benedict at pwede na siyang pumasok.

"Sige na Benedict, mag-iingat ka" Nandito na kami sa gate ng University at dahil nga magkaiba kami ng building kailangan naming mamaalam. Agad namang lumapit sa akin si Benedict at niyakap ako as usual niyang ginagawa. Agad ko din  naman siyang niyakap dahil sa totoo lang, miss ko na ding mayakap ang bestfriend ko. Isinandal niya ang ulo niya sa balikat ko at mas lalo niya pang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.

"I miss your hug" he said while hugging me. I can't stop smiling while hugging him.

"Ang yakap ko lang ba ang na miss mo?" tanong ko dito at mahina itong natawa.

"Siyempre mas na miss kita" wika nito at mas lalong lumawak ang ngiti. He's getting sweet again and I miss that.

Nagpaalam na ako kay Spencer at dumiretso na ako sa aking klase. Sa totoo nga niyan, medyo nahihiya pa din akong pumasok dahil sa nangyari kahapon kaso hindi ko naman pwedeng i-give up ang studies ko para lang doon. Hangga't kaya kong magtiis kakayanin ko.

Ramdam ko pa din ang pagtingin sa akin ng iilan pero hindi kona ito pinapansin. I'm just giving them a smile.

Napahinto na lang ako ng may marinig akong sigawan at tilian ng babae mula sa aking likuran. Agad namang napakunot ang noo ko sa mga reaksiyon nila dahil para bang nakakita sila ng sobrang gwapong artista. Halos mabunggo na ako ng mga babaing nagmamadaling tumakbo patungo sa aking likuran.

"Abangan natin siya dito girl, dito daw siya dadaan"

"I can't wait to see him, mas naging gwapo na daw siya ngayon"

Narinig kong bulong-bulungan ng nga babae mula sa aking likuran. Mas gwapo na siya ngayon? Sino naman kaya ang tinutukoy nila? Kung sino man iyon wala na akong pakialam. It's none of my business anymore. Saka isa pa, hindi naman ako mahilig sa gwapo.

"Iyan na siya girl"

Mas lalong lumalapit mula sa aking likuran ang sigawan at tilian ng mga kababaihan kaya malamang papalapit na sa direksiyon ang kung sino mang lalaking iyon. Pwes, wala akong pakialam.

Choose Me, YZARINATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon