CHAPTER 12

58 26 0
                                    

CHOOSE ME, YZARINA
WRITTEN BY: IamVillain_1

"Still hurt?" tanong ni Spencer at bahagya naman akong umiling. Kakatapos niya lang gamutin ang mga sugat ko sa aking tuhod na nadapa kanina.

"Do you need water?" tanong muli nito at inalok sa akin ang hawak nitong mineral water. Umiling na lang din muli ako.

Masyado na kasing nakakahiya kay Spencer. Marami na kasing tulong ang ibinigay sa akin ni Spencer at hindi ko na alam kung papaano ko pa siya susuklian.

"Sabihin mo lang kung may kailangan ka" wika ni Spencer bago muling sinimulan ang pagmamaneho.

Nandito ako ngayon sa kaniyang kotse. Pagkatapos ko kasing umiyak ng umiyak kanina ay dinala niya ako sa isang mall upang bilhan ng damit at makapagpalit ng damit. Gusto ko nga sanang tumanggi kaso masyadong mapilit itong si Spencer.

Pumunta din kami kanina sa isang Pharmacy at siya mismo ang gumamot sa sugat ko at tiningnan niya pa ang temperatura ko kung okay lang ba ako.

Hindi ko alam ang rason kung bakit ito ginagawa ni Spencer. Nakakapanibago kasi pero kahit papaano hindi naaalis ang mga ngiti ko kapag tinitingnan ko siya. Hindi ko alam na sa kabila ng masungit at cold na pag-uugali ni Spencer ay may tinatago din pala itong bait at pag-aalaga.

Ang swerte siguro ng mapapangasawa nitong si Spencer. May nagugustuhan na kaya siya? Kung sino man iyon, malamang ang swerte-swerte niya.

"How's your friend?" napadako ang atensiyon ko kay Spencer ng bigla siyang nagtanong. I know he was referring to Benedict.

"He is going to be okay soon. Stable din naman ang kalagayan niya and he need only some rest" I answered and I gave him a small smile.

"That's good" Spencer said and I can't stop myself from smiling. Spencer is the reason kung bakit hindi malala ngayon ang kalagayan ni Benedict and I was so thankful for that.

Marami ng nagawang tulong sa akin si Spencer. Hindi ko na alam kung paano ko siya masusuklian pero hindi din naman ako titigil hangga't hindi ko nasusuklian ang lahat ng tulong na ginagawa niya sa akin.

"Saka nga pala Spencer" napabuntong-hininga ako at hinarap siya "Salamat nga pala kagabi sa ginawa mong pagligtas sa kaibigan ko, kung hindi ka dumating malamang hindi ko naakikita ngayon ang bestfriend ko" pagpapasalamat ko kay Spencer. Hindi ko na kasi siya nagawang pasalamatan pa sa hospital dahil bigla na lang siya nawala.

"No need" tanging sagot nito at ibinalik ang atensiyon sa pagmamaneho. Wala ng kahit isa pa sa amin ang muling nagsalita pa at nabalot na kami ng katahimikan.

We stopped in a restaurant at niyaya ako ni Spencer na kumain kanina. Nung una hindi ako pumayag pero gaya nga ng sinabi ko, masyadong mapilit itong si Spencer. Alam niya daw kasi na hindi pa ako kumakain at hindi daw maganda sa akin ang nagpapalipas ng gutom. At bilang pasasalamat na din kay Spencer, pumayag na lang ako.

Napapalunok ako habang tinitingnan ang mga presyo ng mga pagkain sa Menu. May badget naman din ako kaso hindi sapat iyon sa mga presyo ng mga pagkaing nakikita ko ngayon.

I decided to order the cheap one para hindi naman magastos. Kaso laking gulat ko ng makita ko ang lahat ng order ni Spencer. Halos mapuno na nito ang lamesa sa mga order nito. Sigurado ba siyang kakainin niya ang lahat ng ito?

"Are you sure you will going to eat all of this?" I asked him. He glanced at me. Nakatitig sa akin ngayon ang mga asul nitog mata at kasalukuyan ako ngayong nakatitig sa gwapo nitong mukha.

"It is not for me, It is all for you" he said. Para sa akin?

"Gaya nga ng sinabi ko kanina, hindi ako gutom" I said and he raised his eyebrow on me.

Choose Me, YZARINATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon