CHOOSE ME, YZARINA
WRITTEN BY: IamVillain_1This is the day that I have waiting for. Ang araw na kinakatakutan ko at ang araw na pinakahihintay ko. Ang araw na kung saan hinihintay kong tamang panahon. Ang araw na kung saan mamimili na ako. At ang araw na kung saan magtatapos ang lahat.
"Lets have bond" yaya ko kay Benedict at nakangiti itong tumango. Siya ang nagluto ng mga pagkaing sasaluhan namin mamaya at ako naman ang naghanda ng picnic basket na gagamitin namin mamaya.
Hindi ko maiwasang hindi mapangiti habang pinagmamasdan ang bahay na kinalakihan namin ni Benedict. Kahit saang sulok man ng bahay na ito, nakikita ko ang masasayang ala-ala na kasama ko si Benedict. Mga ala-alang alam kong hindi na mauulit pa. I took a deep sigh at pinigilang tumulo ang mga luha ko.
It is not the time para umiyak. Dapat maging masaya ako sa araw na ito dahil pagkatapos ng araw na ito. Hindi na sila mahihirapan at hindi na din ako masasaktan.
"Lets go!" I smiled bago umangkas sa likuran ng bisekleta ni Benedict.
Alam kong mahirap itong gagawin kong desisyon pero hindi ko dapat ipakita sa kanila na nahihirapan ako.
Nakangiting sumandal ako sa likuran ni Benedict habang pinagmamasdan ang asul na kalangitan.
Hindi ko alam kung anong mangyayari sa pagkatapos ng araw na ito. Kung nararapat ba akong magsaya o hindi.
Maaga kaming nakarating sa burol na kung saan madalas kaming magbond ni Benedict. Ang daming masayang ala-ala din dito sa burol na ito.
Si Benedict ang naglatag ng sapin sa damuhan habang ako naman ang naglagay doon ng picnic basket.
Pagkatapos nun ay umupo na ako sa tabi ni Benedict at hinayaan niya akong sumandal sa balikat niya habang sabay naming pinagmamasdan ang maaliwasay na tanawin na makikita mula rito.
Maaliwalas na dagat, maamong alon at payapang asul na kalangitan. Lahat ng iyan ay ang magandang tanawin na nakikita ko ngayon. Ang sarap pagmasdan ng tanawin na ito.
Pero alam niyo kung anong tanawin ang masarap pagmasdan?
Iyon ay ang mga masasayang ala-ala na kasama ko si Benedict, ang bestfriend ko. Mga ala-alang hindi ko malilimutan at hindi ko alam kung mauulit pa ba. Mga ala-alang maiiwang isang magandang tanawin na lang paulit-ulit kong pagmamasdan at alalahanin. Ang tanawing hindi ko ikakawasang pagmasdan.
"Benedict, ano ang pinakamasayang ala-ala mo na kasama ko?" tanong ko dito habang patuloy lang naming pinagmamasdan ang magabdang tanawin na nakikita namin ngayon.
"Kung ako ang tatanungin kung ano ang pinakamagandang ala-ala na kasama kita, Yzarina?" I look at him habang hinihintay ko ang sagot nito. He took a deep sigh before letting a smile.
"Iyon ay ang lahat ng ala-ala na kasama kita Yzarina. Sa tuwing naalala ko ang bawat ala-ala na kasama kita, isa na iyong magandang ala-ala para sa akin. Dahil ikaw Yzarina ang nagpapaganda sa mga ala-ala ko. Mga ala-alang that will never ba faded" nakatingin lang ako sa kaniya habang pinapakinggan ang sagot niya.
He let a smile again at muling ibinaling ang tingin sa akin. At sa pagkakataong iyon, nagtagpo ang mga mata namin. Nakikita ko sa mga mata nito na nasasaktan ito. Pero kahit alam kong nasasaktan siya, pilit pa din siyang ngumingiti sa harap ko.
Kung may magagawa lang sana ako para hilumin ang sakit na nararamdaman ng bestfriend ko, ginawa ko na.
Kapag nakikita ko kasing nasasaktan ang bestfriend ko, mas nasasaktan ako. Ako ang bestfriend niya pero wala akong magawa para hilumin ang sakit na nararamdaman niya.
BINABASA MO ANG
Choose Me, YZARINA
Romance"I am your Knight and you are my Princess. In my whole life, I am with you and I want to be with you forever. I used to be your bestfriend but I love you more than for being a bestfriend. I love you Yzarina. CHOOSE ME, YZARINA" "I came from a reall...