CHOOSE ME, YZARINA
WRITTEN BY: IamVillain_1EPILOGUE
3 YEARS LATER"How are you?" its been a year na din ng muli kong narinig ang familliar na boses na iyon. Hindi ko aakalain maririnig ko a ang boses na iyon. Agad naman akong lumingon sa aking likuran at hindi na ako nagexpect kung sino iyon.
It was Spencer.
Mahigit tatlong taon na din nung umalis siya dito sa Pilipinas para mag-aral sa States at ngayon bumalik na siya. He looks different now. His look, ang pangangatawan nito, saka ang pormahan niya ngayon ay pang mayamang businessman na talaga. Ang laki na ng pinagbago niya. Mas lalo siyang naging gwapo ngayon pero hindi pa din nagbago yung mga ngiti niya. Siya pa din yung Spencer na palangiti.
"Im fine, how about you?" I asked him.
"I'm happy that I see you again, Yzarina" he said. "I'm completely a businessman now"
Hindi ko naiwasang hindi mapangiti habang nakatingin sa kaniya. Hindi nga ako nagkamali noon, na magiging isa siyang matagumpay na businessman.
"Im happy for you" I said. Masaya ako na natupad na ni Spencer ang mga pangarap niya. Masaya ako dahil hindi niya na nararamdaman ang sakit na naibigay ko sa kaniya noon.
"I want to invite you Yzarina in my engagement party, sana makadalo ka" yaya sa akin ni Spencer. Maslalo akong naging masaya sa kaniya dahil nakahanap din siya ng babaing mas deserve niya kaysa sa akin.
Pagkatapos ng aming mahabang pag-uusap, napagdesisyunan kong umalis na. Nakangiti akong sumakay sa aking bisekleta at nakangiting pinatakbo ito.
Sa loob ng tatlong taon, marami na ang nagbago at naging ayos din ang lahat.
Si Benedict, natagpuan niya na ang mga magulang niya at masaya ako sa kaniya. Hindi na din kami magkasama ngayon sa iisang bahay dahil binigyan ko silang pamilya ng magkasama as a family dahil maraming taon din silang hindi nagkasama-sama.
Nagkikita din naman kami ni Benedict kapag may bonding kami at minsan bumibisita din ako sa kanila.
"Ate, isang boquet po ng rosas" napagdesisyunan kong bumili ng bulaklak dahil may bibisitahin ako ngayong puntod. Matagal-tagal ko na din kasing hindi nabibisita iyon.
Hindi ko din maisip ang lahat ng pinagdaanan ko simula sa simula hanggang ngayon. Mayroong mga kamalasan darating, mapapalitan naman iyon ng kasiyahan.
Nakangiti ako habang ipinapatong ko ang dala kong bulaklak sa tabi ng puntod ng dinadalaw ko ngayon. Maya-maya lang habang nakatingin ako sa puntod ay nagsimula na namang magsituluan ang mga luha ko. Hanggang ngayon, ramdam ko pa din ang sakit. Parang kahapon lang iyon at sariwa pa ang lahat ng ala-ala sa akin. Sariwa pa din ang sakit na hanggang ngayon randam na ramdam ko pa din iyon.
"Ang pangit mong umiyak" halos mapatalon ako sa gulat ng biglang may nagsalita sa likuran ko. Agad ko namang sinamaan ang taong iyon. Ang ganda na sana ng emote ko dito tapos sisirain niya lang. Hindi talaga siya napapagod sa pang-iinis sa akin.
"Kahit kailan talaga bakulaw ka" sigaw ko kay Emerson. Yeah, it is Emerson. Ang taong bakulaw ng buhay ko na mahal na mahal ko.
He was a survivor of stage 4 cancer. Alam naming imposibleng makaligtas pa siya sa sakit na iyon pero lumaban si Emerson. Lumaban siya sa sakit na iyon at isang himalang nakaligtas siya. Akala ko talaga noon ay mawawala na siya sa akin. Isa lang ang napatunayan ko noon, walang kanser ang makakapaghiwalay sa amin.
Naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Emerson at niyakap ko din siya. Kahit ganito ang bakulaw na ito, mahal na mahal ko pa din ito.
Nakangiting humarap kami sa puntod ng mga magulang ko. Ang sabi kanina ni Emerson hindi siya sasama sa pagdalaw sa puntod ng mga magulang ko pero hindi ko aakalaing susunod din pala siya.
"Ma, Pa, Ito po yung lalaking pinipili ko. Hindi ko nga alam kung bakit pinili ko ang bakulaw na ito" napataas ang kilay ni Emerson sa sinabi ko.
"Pinagsisisihan mo na ba na pinili mo ako?" nakasimangot na tanong nito at mahina akong napatawa sa reaksiyon nito. Ang cute kasi nito kapag nakasimangot. Para siyang bata.
"Ikaw naman hindi ka mabiro" wika ko at ginulo ko ang buhok nito "Siyempre ikaw at ikaw lang pipiliin ko"
"Paano kung nasawa ka na sa akin? Paano kung napangitan ka na sa akin? Paano kung may dumating pang taong mas magpapasaya sayo? Are you going to choose me, Yzarina?"
"Kahit pa pumangit ka Emerson, kahit umangat pa ang level ng pagkabakulaw mo, kahit manligaw pa sa akin ang mahigit limang bilyong lalaki sa mundo, ikaw at ikaw pa din ang pipiliin ko" wika ko at ngumiti ito.
"I love you, Yzarina" lumapit ito sa akin at hinawi ang buhok ko sa aking tenga.
"I love you too, Emerson" I said while staring at him. Naramdaman ko na lang ang unti-unting pagdampi ng labi nito sa akin.
I choose you, Emerson. And I'll choose you over and over and over. Without pause, without doubt, in a heartbeat. I'll keep choosing you.
THE END
BINABASA MO ANG
Choose Me, YZARINA
Romance"I am your Knight and you are my Princess. In my whole life, I am with you and I want to be with you forever. I used to be your bestfriend but I love you more than for being a bestfriend. I love you Yzarina. CHOOSE ME, YZARINA" "I came from a reall...