CHOOSE ME, YZARINA
WRITTEN BY: IamVillain_1
"Its not your fault, Yzarina" pilit na pinapaalala sa akin ni Samantha. Paulit-ulit ko din kasing sinisisi ang sarili ko sa nangyari kela Benedict, Spencer at Emerson.Dito kami ngayon sa hospital sa kung saan dinala silang tatlo Stable na ang kalagayan nina Spencer at Benedict na kasalukuyan lang silang hinihintay na magkaron ng malay pero habang si Emerson naman hanggang ngayon ay nasa Emergency room pa rin. Malubha ang naging kalagayan niya dahil sa kanilang tatlo, si Emerson ang mas naapektuhan at marami ding dugo ang nawala sa kaniya. Naapektuhan din ang iilang vital organs nito kaya magiging matagal ang operasyon sa kaniya.
"Yzarina, bili lang ako" agad naman akong tumango at ngumiti kay Samantha bago tuluyan siyang umalis. Malamang gutom na din itong si Samantha dahil simula kanina wala itong ginawa kundi ang patigilin ako.
"Gising na po ang isang pasyente" agad naman akong tumayo nang marinig ko ang sinabi ng doctor. May gising na sa kanilang tatlo, kailangan ko silang makausap.
"Hey!" I smiled at Benedict nang makita kong may malay na siya. He smiled genuinely when he saw me.
"How are you my Princess-" hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin nito ng agaran ko na siyang niyakap. Narinig ko ang mahina nitong pagtawa at niyakap din ako. Tumagal kami sa ganoong posisyon na para bang ayaw ko na siyang pakawalan.
"Aray naman, mas lalala pa yata itong sugat ko dahil sayo" wika nito. Mahigpit kasi ang pagkakayakap ko kaya malamang nadadaganan ko ba ang sugat nito. I just want to hug my bestfriend.
"Tinakot mo na naman ako" nakasimangot na wika ko habang kasalukuyang nakayakap sa kaniya.
Ito na ang pangalawang beses na muntik ng manganib ang buhay ni Benedict ng dahil sa akin at ito din ang pangalawang beses na tinakot niya ako. Benedict is my bestfriend at siya na lang ang natitirang pamilya na mayroon. Hindi ko alam kung anong manyayari sa akin kapag nawala siya.
"Alam mo naman dibang gagawin ko ang lahat para lang sa kaligtasan ng prinsesa ko kahit buhay ko pa ang nakataya hindi ko siya papabayaan" he whispered.
"Pero hindi mo alam kung anong takot ang ibinibigay mo sa prinsesa mo sa tuwing ipinapahamak mo ang sarili mo" naramdaman ko na ang pagtulo ng mga luha ko.
"Sorry na" wika nito at kumalas ng pagkakayakap sa akin para punasan ang mga luha ko.
Nagulat na lang ako ng biglang hinawakan ni Benedict ang mga kamay ko at tumingin sa mga mata ko. "All I want is just to protect you, Yzarina. I dont know how to forgive myself if something happen to you"
"Thank you, Benedict. Thank you for everything" sa muling pagkakataon, niyakap ko muli ang bestfriend bago ako umalis sa room nito upang makapagpahinga siya.
Agad naman din akong nagtungo sa room ni Spencer ng nabalitaan kong may malay na ito.
"I'm glad you are okay, Yzarina" bungad kaagad sa akin ni Spencer ng makita niya ako. Nakangiting lumapit ako sa kaniya at umupo sa tabi niya.
"Dapat ako ang magsasabi niyan" wika ko dito dahil siya naman itong nabaril pero ako ang inaalala niya.
"Kumusta ka na?" tanong ko dito.
"I'm more than for being okay when I already known that you are okay too" Spencer said and he let out a genuine smile. Kung makapag-ngiti ito ay para bang walang nangyari sa kaniya.
"Thank you nga pala Spencer sa ginawa mong pagligtas sa kanina at pasensiya na din kung napahamak ka ng dahil sa akin" wika ko dito.
Hindi ko nga alam kung deserve nga ba akong maging kaibigan nitong si Spencer dahil unang-una magkaiba kami ng estado sa buhay saka sa tingin ko, napapahamak siya ng dahil sa akin.
BINABASA MO ANG
Choose Me, YZARINA
Romance"I am your Knight and you are my Princess. In my whole life, I am with you and I want to be with you forever. I used to be your bestfriend but I love you more than for being a bestfriend. I love you Yzarina. CHOOSE ME, YZARINA" "I came from a reall...