CHAPTER 2

121 61 9
                                    

CHOOSE ME, YZARINA
WRITTEN BY: IamVillain_1

"Benedict galingan mo ah!" wika ko at ngumiti naman ito sa akin.

"Siyempre naman para sayo gagalingan ko" pacute na wika niya sa akin na naging dahilan upang ako ay mapangiti. Kahit kailan talaga ang sweet ng bestfriend ko.

Mabilis ko namang hinila ang magkabila niyang pisnge at kinurot ito ng panggigigil. Puro kasi siya ngiti. Siguro pinapainggit niya lang ako ng dimple niya.

"Ang cute-cute talaga ng bestfriend ko!" aniko at ngumiti naman ito na abot hanggang tenga. Nakita ko na naman ang cute na dimple niya na gustong-gusto kong makita sa kaniya. Nagulat na lang ako ng bigla niyang tanggalin ang mga kamay ko sa kaniyang pisnge at mahigpit akong niyakap.

"Teka, para saan naman 'to?" takang tanong ko habang patuloy pa rin akong nakakulong mula sa kaniyang pagkakayakap.

"Mamimiss kita!" malambing na wika niya at nakangiting kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya.

"Ilang oras lang tayo magkakahiwalay mamimiss mo na kaagad ako, tara na nga baka malate pa tayo sa first sub natin" binigyan ko siya ng isang napakatamis na ngiti bago kami tuluyang maghiwalay at napangiti din ito.

Criminology ang course niya samantalang ang sa akin ay Business Management at ang pangkakaalam ko nasa kabilang building ang room niya. Pareho kaming nagsisikap ni Benedict dahil nangako kami sa isat-isa na makakapagtapos kami.

Agad akong nagmadali sa aking paglalakad dahil baka late na ako sa 1st sub ko. Patakbong umakyat ako sa isang hagdan dahil nasa taas nito ang room ko. Pagkadating ko sa taas ay nakaramdam ako ng pagkapagod at uhaw kaya kinuha ko muna ang tubig na baon ko at ininom iyon habang nagmamadaling naglalakad. Siguro late na late na talaga ako.

"F^ck" sigaw ng isang lalaki ng
bigla ko siyang mabangga at hindi sinasadyang mabuhusan ang damit niya ng tubig na iniinom ko. Tumingin ako sa mukha niya at galit na galit itong nakatingin sa akin. Isang nakakatakot na tingin na para bang ginigilitan na ako ng liig. Matangkad ito, blue eyes, red lips, matangos ang ilong, may maayos na pagkakasalansan ng buhok, may makisig na pangangatawan, simple ang pananamit at higit sa lahat ang gwapo niya.

"S-sor-ryy!" nahihiyang sambit ko at yumuko ako dahil sa hiya. Agad akong lumapit sakaniya upang punasan ang damit niya pero nagulat na lang ako ng bigla niya akong tinulak na naging dahilan upang napabukaka akong napabagsak sa sahig.

"Sa susunod kasi huwag lang magpatanga-tanga at tumingin ka sa dinadaanan mo para malaman mo rin kung sino ang mga binabangga mo!" galit na sigaw nito sa akin at mabilis na umalis. Agad din naman akong tumayo at inayos ang sarili ko. Ang sungit naman ng lalaking iyon, akala mo kung sino, palibhasa gwapo lang siya kaya niya ng gawin lahat ng gusto niya.

Mabilis akong tumakbo patungo sa room ko dahil tiyak na late na ako. Mabuti na lang nung pagpasok ko sa classroom ko ay siya ring pagpasok ng prof. namin.

Humanap ako ng mauupuan at napansin ko na may bakante sa hulihan kaya doon ako umupo.
Nagsimula ng magpakilala ang prof namin at maya-maya lang ay nagsimula na siyang nagdiscuss at itinoun ko na sa kaniya ang atensiyon ko. Hindi ako masyadong magaling pagdating sa chemistry pero nakikinig pa rin ako. Kahit boring ang subject ay nagagawa ko pa ring makinig para sa pangako namin ni Bemedict. English literature ang paborito ko since elementary pero hindi ako bihasa mag-English, magaling lang akong makaunawa ng english. Nagulat na lang ako ng biglabg may lalaking pumasok sa gitna ng discussion ni Prof Wilton. Siya yung.......

Choose Me, YZARINATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon