CHAPTER 4

84 50 7
                                    

CHOOSE ME, YZARINA
WRITTEN BY: IamVillain_1

Nagulat na lang ako ng biglang may dalawang lalaking humawak sa akin na naging sanhi para hindi ako makagalaw.

"Teka sino kayo, bitawan niyo ako!" pilit kong makawala sa mga taong iyon pero nabigo ako dahil malalakas sila. Sino ba ang mga ito?. Batay sa mga sout nila, mukha silang adik at gangster. Wait, parang nakita ko na sila.

Biglang may lalaking lumapit kay Charity at pinatayo ito. Kung hindi ako nagkakamali, ito ang gwapong lalaki na napagkamalan kong si Spencer kanina na makapal ang mukha.
Sobrang kapal ng mukha, eh mukha namang bakulaw

"Ms, alam kung type mo ako, at kung ito man ang ginagawa mong panliligaw sa gwapong tulad ko, sorry hindi kita type"

"Ms, alam kung type mo ako, at kung ito man an ginagawa mong paraan ng panliligaw sa gwapong tulad ko, sorry hindi kita type"

Arrrrggggghhhhhh!, halos mabasag na ulo ko sa galit kapag naalala ko ang mga salitang iyon. Ang kapal ng mukha, palibhasa ba gwapo siya inaakala niya na sa sarili niya na gusto siya ng lahat.

"Babe, what happened, are you okay?" nag-aalalang tanong ni Bakulaw kay Charity. Teka, tama ba yung narinig ko, babe?, ibig sabihin ba nito girlfriend ng bakulaw na ito si Charity. As well, hindi naman posible iyon dahil pareho naman silang mayabang at mapagmataas.

Agad namang napayakap dito si Charity at pabibeng umiyak sa harap ni bakulaw.

"Eh kasi babe, yung babaing yun binangga niya na nga ako tapos sinambunutan niya pa ako ng walang kalaban-laban" wika ni Charity. Ang boses niya halatang pabibe.tsk

"It is not true" narinig kong sigaw ni Samantha na agad namang sinang-ayunan ng ibang studyante dito sa cafeteria.

"Babe believe, I'm your girlfriend, right?" pagmamakaawa ni Charity.

"Of course and I'm believing you" wika naman ng Bakulaw. Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig, pati mga maling nagagawa ng taong mahal mo kakampihan mo. hsk<

Biglang tumayo si Bakulaw ni Charity at galit itong tumingin sa akin. Agad namang napaatras ang nga studyandyanteng malapit sa kaniya. Ngayon ko lang nalaman na kinakatakutan pala siya ng mga studyante dito. Pwes, ibahin niya ako, kailanman hindi ako matatakot sa kaniya. Lalong-lalo na sa katulad niyang bakulaw.

Pasiga itong humakbang papalapit sa akin habang masama itong nakatitig sa akin at may isang ngising nakapinta sa mga labi nito. Badboy moves, sa totoo lang nakakainlove ang mga kilos at mga tingin nito. Yung tipong matutunaw ka sa mga titig nito.

Arggghhh!. Kung ano-ano na lang ang pumasok sa isip ko sa bakulaw na ito. Nababaliw na yata ako. He's my enemy and it is not the time to attract at him because it is the time to kill him. Ako lang naman ang inosente dito dahil natatapakan na ang pagkatao ko. Bigla akong binitawan ng mga lalaking humahawak sa akin at tinulak ako papalapit sa gangster na kaharap ko ngayon.

"Anong karapatan mong saktan ang girlfriend ko!" sigaw ni Bakulaw. His voice was so husky. Ang cute niya kapag nagsasalita.

Arrggghhh, Yzarina stop it pleassee!. Para na akong tangang kinakausap ang sarili ko. Imbes na magalit ay nainlove pa ako sa badboy este bakulaw na na kaharap ko. Huminga ako ng malalim at hinarap ito.

"It's not my fault, bakit hindi mo tanungin ang mukhang palakang girlfriend mo para malaman mo kung sino ang nanguna sa amin" matapang na sumbat ko dito.

"Arrggh, kill her!" narinig kong sigaw ni Charity. Kung kaya niya!

Bigla niya akong hinagisan ng suntok pero mabilis akong umilag. Nagsigawan naman ang mga studyanteng nakapalibot sa amin. He smiled at me. Kumawala muli siya ng isang suntok pero mabilis muli akong nakailag. Nainis naman siyang tumingin sa akin. Halatang napipikon na si Bakulaw. Binigyan ko lang siya ng isang nakakaasar na ngiti. Sa pagkakataong iyon ay lalo pa siyang nainis sa akin. Bigla siyang bumwelo at malakas na sinuntok ako pero gaya ng una nakailag naman ako. Its my turn now, mabilis ko rin pinakawalan ang palad ko at....

Pakkkkkkkkkkkk!!!!!!!!!!!!!

Goall!. Mahapdi itong tumama sa gwapo niyang mukha. OMG! I hit his handsome face. Pero okay lang dahil gwapo pa din siya.

"Ohhhh"

"boooohhhh"

Narinig kong ng karamihan. Mukha yatang napahiya siya. Kitang-kita sa pagkapula ng kaniyang pisnge sa malakas na pagkakasampal ko sa kaniya.

Nagulat na lang ako ng bigla itong galit na humarap. At sa pagkakataon ngayon, nasa lvl 99999.9 na ang galit nito sa kaniyang mukha. Isang nakakatakot na mukha na parang demonyo. Patay!, demonyo ft. bakulaw na siya!Halata sa mga mata nito ang pagkagalit.

Magkabila niyang hinawakan ang kwelyo ko at nagulat na lang ako ng bigla niya akong inangat. Ramdam ko rin ang pagkakasakal sa liig ko. Mahigpit siyang nakahawak sa kwelyo ko. Nanginginig rin ang mga kamay nito sa galit. Siguro nagalit ito dahil napahiya siya. Dahil sa mahigpit na pagkakahawak niya sa kwelyo ko, nahihirapan akong makawala. Habang tumatagal ay nahihirapan na akong makahinga.

"Let her go" narinig kong sigaw ni Samantha na alam kung gustong tulungan ako.

"Bro, its over, stop it babae iyan!" wika naman ng isang lalaking katabi ni Charity habang si Charity ay nakangiti lang na pinagmamasdan ako.

Napahawak na ako sa liig ko dahil unti-unti na akong nauubusan ng hininga. Ramdam ko rin ang pag-aalala ng mga studyanteng nanonood sa amin dahil baka kung ano ang mangyari sa akin. Alam kong gusto nilang tumulong pero wala silang magawa. Malamang natatakot din sila sa kung ano man ang pwedeng gawin sa kanila ng mga gangster na ito.

Bigla akong napaubo dahil nauubusan na talaga ako ng hininga. Lord!, Ayaw ko pang mamatay. Kailangan kong makaisip ng paraan at isang natatanging paraan na lang ang pumasok sa isip ko habang unti-unti na talagang dumidilim ang paningin ko. Wala na akong naisip na paraan kundi ang gawin ito.

Binwelo ko ang paa ko at malakas kong sinipa ang kaniyang harapan. Ramdam ko ang bakat ng kaniyang ari-arian sa pagsipa ko.

Bigla niya akong nabitawan at hindi sinasadyang maout-balance ako sa pagbagsak ko kaya napakapit sa balikat ni bakulaw at sabay kaming napatumba.

#IamVillain_1

Choose Me, YZARINATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon