THE LAST CHOOSE

56 11 1
                                    

CHOOSE ME, YZARINA
WRITTEN BY: IamVillain_1


Did love are really unexpected? Kung sino pa yung taong minsan ng naging kaaway mo ay siya pa pala ang taong magpapatibok ng puso mo.

Nung una pa lang, ayaw ko na sa kaniya. He is known the jerky gangster in our university. Simula nung nakilala ko siya, naging sunod-sunod na ang nangyaring kamalasang nangyari sa akin. Hindi niya alam kung gaano kalaki ang sakit na ibinigay niya sa akin lalong lalo na nung binugbog niya si Benedict.

But then, hindi naman yata magiging masama kung bibigyan natin ng chance diba?

Nag-alangan pa ako noon kung tutulungan ko ba siya nung nasalubong ko siya sa tulay at bigla siyang nawalan ng malay.

Hindi ko nga alam kung anong pumasok sa isip niya sa mga oras na iyon kung bakit niya kinuha pa ang bag ko na tinapon niya na sa tulay na iyon.

Nung nalaman kong ulila na din siya at wala na siyang pamilya. Parang nakita ko ang sarili ko sa kaniya. I understand kung bakit wala siyang pakialam sa mga tao sa paligid niya.

And then, he asked for my forgiveness for all what he did. Wala namang masama kung papatawarin ko siya diba? Saka nakita ko naman din ang pagbabago sa kaniya na kahit minsan hindi pa din kami ngakakasundo.


He is known to be 'Bakulaw' na palagi kong tinatawag sa kaniya because of his jerky attitude. Wala siyang ginawa kundi ang inisin ako at saksakan din siya ng yabang.

Pero kahit ganoon ang taong iyon, ilang beses na niya din akong niligtas na muntik na niya ding ikinapahamak. Niligtas niya ako nung muntik akong nasagasaan at sinalo niya din ang balang nasa sa akin dapat.

Hindi ko aakalain na ang taong itinuturing kong demonyo sa buhay ko ay siya pa pala ang hindi ko inaasahang anghel na bibihag sa puso ko.

"Where is he?" I asked ng sinagot ni Ismael ang tawag ko. Kanina ko pa kasi tinatawagan si Emerson kaso hindi siya sumasagot.

[Hindi ko din alam kung saan siya. Subukan mong puntahan sa bahay niya dahil mukhang wala namab siyang ibang pinuntahan]

Agad naman akong nagpasalamat kay Ismael at agad na tinakbo ang daan papunta sa bahay ni Emerson. I want to see him. I want to talk to him.

My heart choose Emerson. Maging ako ay hindi inaasahan iyon pero wala naman akong magagawa kung mismong puso ko na ang nagdesisyon diba?

Nang marating ko ang bahay ni Emerson ay hindi na ako nag-alubiling pang kumatok at agad ko ng pinasok iyon. Wala sa sala si Emerson, wala din sa kusina at maging sa kwarto nito. Kung wala siya dito, nasaan siya?

Where are you Emerson?

Napaisip ako sa mga lugar na pwedeng puntahan ni Emerson at kung saan ko siya pwedeng makita. Agad namang pumasok sa isip ko ang isang lugar na madalas niyang tambayan.

Agad naman akong pumunta sa sala at agad na inakyat ang lumang kabinet doon paakyat papuntang bubong. Malamang dito ko siya makikita. Naalala ko kasi ang sinabi niya na dito siya madalas magtambay kapag gusto niyang mapag-isa at pagmasdan ang mga bituin.

Gaya ng inaasahan ko, nandoon nga si Emerson. Nakaupo at pinagmamasdan ang paglubog nf araw. I smiled when I saw him.

Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya at tahimik na umupo sa tabi niya at sinamahan siyang pinagmasdan ang paglubog ng maaliwalas na araw.

Choose Me, YZARINATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon