CHAPTER 21

49 18 0
                                    

CHOOSE ME, YZARINA
WRITTEN BY: IamVillain_1

Ang bango. Kahit tulog ako ay may nararamdaman akong pabango. Kanina ko pa gustong bumangon kaso ang sarap pa matulog. Hindi ko nga nagawang idilat ang mga mata ko dahil ayaw kong sirain ang masarap na pagtulog ko na para bang may kayakap ako. Teka, may kayakap ako?

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at agad na bumungad sa akin ang gwapong mukha ni Emerson na tulog at kasalukuyan pang magkalapit ang mga mukha namin.

Laking gulat ko nang mapagtanto ko ang posisyon namin. Magkayakap kami at masyadong malapit ang distansya ng mga mukha namin. Teka, paano nauwi sa ganito ang posisyon namin?

"Ahhh" sigaw ko at hindi sinasadyang matulak si Emerson na naging dahilan upang malaglag siya. Tatayo na sana ako kaso mali pa ako ng naapakan kaya nahulog din ako sa sahig. Napangiwi ako sa sakit nang lumagapak ang likod. Agad naman akong tumayo at hinarap si Emerson. Hindi pa din kasi ako makapaniwala sa posisyon namin kanina ni Emerson. Paano naging ganoon ang posisyon? Hindi kaya, may ginawang kababalaghan ang Bakulaw na ito sa akin? Oh no

"Teka, anong problema mo?" tanong nito sa akin. Medyo magulo ang buhok nito pero mukhang gwapo pa din. Agad naman akong kumuha ng kumot at ibinalot iyon sa katawan ko.

"Bakit tayo magkayakap? May nangyari ba sa atin?" Nag-aalaang tanong ko. Napalunok ako nang bahagya itong naglabas ng isang malademonyong ngisi. Agad naman akong kumuha ng mga unan at pinambato ito sa kaniya. Naaasar kasi ako sa ngisi ng bakulaw na ito. Panay ang bato ko sa kaniya ng unan at panay din ang iwas niya sa akin.

"Walang nangyari sa atin Yzarina, ikaw nga ang unang yumakap sa akin kagabi tapos ikaw ang magrereklamo ngayon" nang-aasar na wika nito. Wala akong naalalang ginawa ko iyon pero hindi ko din masasabing hindi ko iyon magagawa.

"Anong nangyayari dito?" Nag-aalalang tanong ni Maam Amanda nang madatnan niya kaming naghahampasan ng unan ni Emerson. Nasa likuran nito si Abby at Mang Kiko. Nakangiti lang sila habang pipanood kami ni Emerson.

"Ang sweet nila no? Parang tayo din noong kabataan natin" narinig kong wika ni Mang Kiko kay Maam Amanda.

Agad na kaming nagtungo sa kusina nang niyaya na kami ni Maam Amanda para sa almusal. And as usual, hindi nakisabay sa amin si Bea.

"Emerson iho, tinawagan ko na pala ang kaibigan ko at pumayag na siyang ikumpune ang motor mo kaso mukhang matagal pa bago maaayos iyon" wika ni Mang Kiko. Ibig sabihin ba nito matagal pa din kami makakabalik ng Manila?

"Okay lang po iyon, maraming salamat po" wika ni Emerson. Hindi ko aakalaing may respeto din pala ang bakulaw na ito.

"Baka gusto niyo munang sumama sa amin habang hinihitay niyong maayos ang motor niyo, piyesta kasi ng barangay namin at maraming mga palaro ang gaganapin mamaya" suhestiyon ni Maam Amanda.

"Sige na ate Yzarina at Kuya Emerson, sumama na kayo please" nagpuppy eyes pa sa amin si Abby.

Lumingon ako kay Emerson at napatango na lang kami. Mas mabuti na din iyon kesa wala kaming magawa sa kakahintay na maayos ang motor na sasakyan namin.

Pagkatanghalian ay agad na nagtungo kami sa may isang malawak na field ng taniman kung saan gaganapin ang mga palaro ng barangay. Maraming tao dito at bakas sa mga mukha ng mga tao dito ang kasiyahan.

Choose Me, YZARINATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon