CHAPTER 8

74 37 0
                                    

CHOOSE MY, YZARINA
WRITTEN BY: IamVillain_1

Paglabas ko ng gate, nakita ko si Benedict na nakatulog na sa kaniyang bisekleta. Kawawa naman ang bestfriend ko.

Agad naman akong nagtungo sa kinaroroonan niya at agad na ginising siya. Malamang pinagpe-pyestahan na siya ng nga lamok kakahintay sa akin.

Nang mapansin kong nagising na si Benedict ay agad ko itong niyakap.

"Sorry" wika ko habang nakayakap sa kaniya.

"Sorry kung na locked ako kanina, sorry kung napag-antay kita" wika ko at hindi ko na namalayang tumutulo na pala ang mga luha ko. Kumalas ng pagkakayakap sa akin si Benedict at ngumiti ito sa akin.

"Okay lang iyon dahil ang mahalaga nandito ka na" nakangiting wika ni Benedict at pinunasan ang mga luha ko.

"Bakit ba kasi hinintay mo pa ako, dapat umuwi ka na lang" sermon ko sa kaniya. Kung umuwi na lang kasi siya edi sana hindi na siya nag-abala pang hintayin ako.

"Alam mo namang ikaw ang prinsesa ko at kahit kailan hinding-hindi ko iiwan at papababayaan ang prinsesa ko" nakangiting wika niya at hindi ko maiwasang mapangiti ng sabihin sa akin ni Benedict iyon. Hindi ko alam kung gaano ako kaswerte dahil mayroon akong bestfriend na katulad na Benedict na tinuturing akong prinsesa. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin kapag nawala si Benedict. Siya na lang ang natitirang importanteng tao sa akin at hindi ko kakayanin kung wala siya.

"Hinanap na kita sa boubg University pero nabigo akong makita ka kaya ang ginawa ko, naghintay na lang ako dito dahil alam ko naman na hindi mo ako iiwan at kaya kong maghintay dito magdamag para lang hintayin ka" nakangiting wika ni Benedict.

Biglang lumapit sa akin si Benedict at niyakap ako. "Sa totoo nga niyan na miss kita" malambing na wika niya at niyakap ko din siya.

"Mas na miss ko ang bestfriend ko" wika ko at narinig ko ang mahina niyang pagtawa na siya namang dahilan upang mapangiti ako.

Hindi ko maiwasang mapangiti kapag ganito ang moments namin ni Benedict. Yung sweet sa isat-isa, yung mahahalahanin sa isat-isa at kailanman hindi iiwan ang isat-isa.

"So let's go?" yaya nito sa akin at nakangiting tumango ako.

"Sakay na aking kamahalan sa ating mahiwagang karwahe" wika ni Benedict at umangkas ako sa likuran ng kaniyang bisekleta.

Nakangiti lang ako habang naka-angkas sa bisekleta ni Benedict. Halos lahat ng kamalasan na nagyari sa boung maghapon ko ay bigla na lang naglaho dahil sa isang taong inakala kong masungit at wala ng pakialam sa paligid pero may malasakit pa lang at hindi lang kayang ipakita ng puso, pati ma din sa isang tao laging nagpapasaya sa akin at kailanman hindi ako iniwan at pati na din sa bago kong kaiian na si Samantha.

Atleast kahit papaano, masasabi ko na hindi lahat na nangyari sa boung maghapon ko ay hindi puro kamalasan. Kung may kamalasan man, natatakpan pa din ito ng mga magagandang nangyayari o kapalaran.

"Itigil mo!" wika ko ng napansin ako sa di-kalayuan.

"Bakit?" naguguluhang tanong ni Benedict. Hindi ko na nagawa pang sagutin ang tanong niya dahil sa nakikita ko.

Nasilayan ko si Bakulaw at ang mga kutong lupa niyang alagad sa hindi kalayuan na nag-aabang sa dadaanan naming tulay. Hindi pwedeng mangyari ito.

"Iliko mo!" nagmamadaling wika ko. Kahit naguguluhan si Benedict ay mabilis niyang niliko ang bisekleta at sinunod ako.

Huli na ng ginawa namin iyon dahil mayroon ng mga kutong lupa ni Bakulaw ang nasa likuran namin ngayon. Nakapalibot na sila ngayon sa dinadaanan namin.

Choose Me, YZARINATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon