CHOOSE ME, YZARINA
WRITTEN BY: IamVillain_1Hanggang ngayon ay hindi pa din ako makapaniwala sa ginawa ni Spencer. Masyado naman kasing nakakabigla ang ginawa niya.
He smiled. He smiled for the first time. Ngayon ko lang siya nakitang ngumiti.
Hindi ko tuloy maiwasang mamangha sa kaniya. Maslalo naging gwapo siya nung ngumiti siya. Parang ibang Spencer ang nakita ko nung ngumiti siya.
Matagal pa bago ako nahimasmasan at pinagpatuloy lang ang pagpupunas sa blackboard.
Pumunta din kami sa ibang room upang burahin ang mga nakasulat doon na tungkol sa akin. Bawat pisara ng paaralang ito ay may nakasulat tungkol sa akin.
Malamang pinagplanuhan iyon ng isang tao upang siraan ako. Isang taong handang sirain ang pagkatao ko.
Every room na mapapasukan namin ay ang siya namang pagkagulat ng mga studyante na naroroon. Minsan may naririnig akong bulungan na tungkol sa akin kaso agad naman iyon natitigil kapag sinasamaan sila ng tingin ni Spencer.Maging si Samantha ay sumasuyaw din sa mga studyanteng iyon.
"Are you okay?" tanong sa akin ni Spencer. Tapos na naming burahin ang mga nakasulat sa lahat ng pisara sa paaralang ito. Medyo nakakapagod nga dahil maaki ang paaralang ito at hindi biro ang ginawa namin kanina na pumunta sa bawat room dito sa paaralang ito at burahin ang mga nakasulat doon tungkol sa akin.
"I'm fine" sagot ko kay Spencer at binigyan siya ng isang pilit na ngiti. The truth is, hindi pa din nagdi-digest sa utak ko ang mga nangyayari.
Sa dami-dami ng kamalasang nangyaysri sa akin, hindi ko na alam kung saan pa ako lulugar. Halo-halong lungkot, galit at hiya ang nararamdaman ko ngayon.
Hindi ko alam kung sino ang may gawa sa problemang kinakaharap ko ngayong umaga. Ang alam ko lang, may galit sa akin ang gumawa non at gusto niya akong ipahiya.
Pilit kong kinakalma ang aking sarili habang naglalakad dito sa hallway. Nanginginig itong mga kamay ko dahil sa mga matang nakabaling sa akin. Ramdam ko ang pagkahiya at halong kaba sa sitwasyon ko ngayon.
I was shocked when Spencer held my hand. Wala siyang paki-alam sa mga studyanteng nadadaanan namin at patuloy lang na hinawakan ang kamay ko habang naglalakad.
Marami ang nagulat sa ginawa ni Spencer at isa na ako doon. Spencer is a good looking guy, smart at malamang marami ang nagkakagusto sa kaniya sa school na ito. Malamang kapag may nakakita sa amin, maaari na naman itong makabuo ng isang isyu at isang gulo na naman ang aabutin.
Aalisin ko na sana ang kamay ko kay Spencer pero mas lalo niya pang hinigpitan ang pagkakahawak sa akin.
I don't know the reason kung bakit ginagawa ito sa akin ni Spencer. Napapangiti na lang ako habang nakatingin sa kaniya. I must be thankful for him.
Bigla na lang akong na estatwa sa kinatatayuan ko nang makita ko si Bakulaw at ang mga kutong lupa nito sa di-kalayuan at patungo din sa direksiyon na tinatahak ko. Halo-halong emosyon ang naramdaman ko ng makita ko siya.
Bahagya din siyang napahinto ng biglang nagtagpo ang mga tingin namin. Naglaban ang mga tingin namin at parang walang gustong magpatalo sa mga tingin na iyon.
Biglang kumuyom ang aking kamao ng biglang naglabas ito sa isang nakakalokong ngisi. Pilit kong kinakalma ang aking sarili sa sandaling iyon dahil baka hindi ko makontrol ang sarili ko.
BINABASA MO ANG
Choose Me, YZARINA
Romance"I am your Knight and you are my Princess. In my whole life, I am with you and I want to be with you forever. I used to be your bestfriend but I love you more than for being a bestfriend. I love you Yzarina. CHOOSE ME, YZARINA" "I came from a reall...