Kinabukasan ay nagpunta kami sa Isang kilalang Art Gallery ng probinsya para sa Architectural Research Project na ipinapagawa sa amin...
At dahil iisa lang naman ang propesor namin nina Wayne sa A.R. ay sabay sabay na kaming pumunta...
"Fidelo Reutzel Sr."pagbigkas ni Milo habang nakatingin sa isang miniature house na gawa sa semento...
"Kaano ano mo siya,Yana?.."tanong ni Harper...
"Tatay ng Papa ng Daddy ko..."sagot ko...
"Ha?.."naguguluhang ani Milo...
"He's my great-great grand father..."pag uulit ko...
"Nasa dugo niyo talaga ang pagiging artist no?.."ani Patrick...
"Hhmm-mmm....Ikaw?anong nasa dugo niyo?.."usal ko...
Uminom ako sa biniling tubig ni Ulap kanina bago kami nagpunta rito...
"Kami?Ah,nasa dugo namin ang pagiging gwapo..."may pagyayabang na sagot niya...
At dahil hindi ko pa nalulunok ang tubig sa bunganga ko,naibuga ko iyon mismo sa kaniya dahil magkaharap kami...
"BWAHAHAHAHAHA~"tawanan ng nga kumag ang bumalot sa lugar at buti nalang ay pwede kaming mag ingay dahil eksklusibo at kilala ng may ari si Daddy....
Maski ako ay natawa habang pinupunasan ang bibig ko...
"Pfft...hala,sorry pre..."natatawang usal ko...
Inabutan ko siya ng dala kong tissue na ipinampunas naman niya agad...
"Grabe ka naman sakin...Anong nakakatawa roon?..."aniya ng mapunasan ang mukha...
Mas lalong lumakas ang tawa namin na pumangibabaw pa ang kay KL...
"Luh bhie,ampapangit niyo...Napaka sama ng mga ugali niyo..."ani Patrick...
"Ang seryoso kasi ng tanong ko tapos bigla kang babaliko ng sagot..."medyo natatawa ko pang sabi...
Nagpatuloy kami sa pagtingin tignin ng mga nakadisplay roon habang nag aasaran...
2 pm na ng matapos kaming maglibot dahil sobrang laki ng Gallery...Karamihan sa mga istrukturang maliliit ay gawa ni Fidelo Reutzel Sr....I didn't get a chance to meet him since He passed away after mom gave birth to me..
My dad said,when mom is giving birth to me,harabeoji got a cardiac arrest while waiting for me to come out...
Well,Maeva and I are unlucky to meet our brothers' inspiration to pursue their dreams..
Lola said,Harabeoji is part of UASA and he also loves art...Mula pagkabata ay ang sariling gallery ni Harabeoji sa bahay ang lagi kong tinatambayan...Walang araw na hindi ako doon namamalagi...
When i was still in New York,I used to try copying Harabeoji's sculptures and other artworks...Seeing his works made me choose Architecture as my life...
My parents really don't like what I chose,they want me to study either Medicine or Law...
"Dito nalang kayo mag aantay since tinatamad kayo..."usal ko na ang tinutukoy kong mga kasama ko ay sina Lyth at Rage...
"Walang magrereklamo sa mabibili ah?...Makakatanggap ng tiris sa singit ang magrereklamo..."ani Lyth...
Tumango ang iba saka naupo sa usang bench sa harap ng isang tindahan...Kami namang tatlo ay naglakad patungong kalapit na pagbibilhan ng pagkain...Piniling pasukin ng dalawa ang pinakamalapit na McDo at sumunod na lang ako...
Si Lyth ang nagpuntang counter para.umorder habang kami ni Rage ay umupo sa bakanteng upuan...
"Kamusta na si Master at Walter?Iyang kabigan mo hindi sumasagot sa mga tawag at texts ko..."ani Rage...

YOU ARE READING
The Mission
Fanfiction*Disclaimer* All the names,characters,businesses,places,events and incidents in this novel are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner.Any resemblance to actual persons,living or dead,or actual events is purely...