The Mission #22:54 and 45

148 9 0
                                        

Yana's POV

Kinabukasan ay sina mommy ang nagbabantay sa akin dahil may pasok ang mga kumag...Sa susunod na araw pa ako pwedeng pumasok dahil hindi pa masiyadong gumagaling ang sugat ko...

"I miss my school..."mahihimigan ang lungkot sa boses ni Maeva ng sabihin ito...

Halata na ang umbok sa tiyan nito at medyo tumaba na rin siya...

"You'll return to school soon...Just wait for our baby to come out,okey?.."ani Mommy...

"Ako rin,I miss school.."usal ko...

"Wala ka bang balak na tuparin yung hiling ko?..."maya maya ay tanong ni Mommy...

Natigilan ako sa tanong niya at hindi makasagot...

"Nako,huwag mo nang tanungin ng ganiyan iyan ma...Sigurado namang alam mo na ang sagot niya..."sabat ni kuya Theo...

"Epal ka gorl?.."pang aasar ni Maeva...

"I still can't,Ma...We can't predict when will my twin be safe..."sagot ko...

"But you,we can protect him together without you being a member on that organization..."ani Mommy...

"I'm sorry Mom..."usal ko...

Napabuntong hininga silang lahat sa sagot ko at nagkaniya kaniya ng kumalikot sa mga telepono nila...

I can't,i just can't...Because I'm scared that you all might not be safe when I'm not going to follow his words...I just can't...I'm really sorry Mom...

Pagdating ng Wednesday ay nakalabas na ako ng ospital at kinabukasan ay nakapasok na...

"Tagal mo!pagong ka ba?..."inis na sabi ni Harper...

"Sorry ha?...Nilinis pa kasi yung sugat ko eh..."sarkastiko kong sabi...

Siya ang kasabay kong papasok dahil sumabay ulit kay Aeth ang pinsan niya...

"Di ka ba marunong mag drive?..."tanong ulit neto...

"Marunong,I just don't want to use my cars..."sagot ko...

"So para saan ang sasakyan mo?...Display lang?...Mygad Maria..."aniya...

"Mygad Atlas...Sa tingin mo ba sasabay ako sainyo lagi kung pinapayagan akong magdrive?.."usal ko...

"Di ka pinapayagan ni Tito mag drive?..."aniya. 

"Ayaw niya...Kung gagamitin ko mana ng mga kotse ko,kailangang may driver na iba.."
Sagot ko...

Tumawa ito pero ang tingin ay nasa daan...

"Di ka man lang malakas sa Daddy mo..."patawa tawang aniya...

"Nakakatawa na yon?.."usal ko...

Nanahimik nalang siya at nagpatuloy sa pagda drive....Nakarating kami ng school na puro kami bangayan at ang kumag,sinira pa bag ko,ayan tuloy at imbes na bitbit ko sa likod ko ay nasa harap ko na...

"Anyare jan?.."tanong ni Marco ng makapasok kami sa classroom...

"Eto kasing Lopez na to feeling magaan,tumalon ba naman tapos sumabit sa likod ko...Ayan,nahila bag ko nong bumaba..." Inis kong sagot...

"Sinubukan ko lang kung gaano ka kalakas...Ang weak mo pala pre..."ani Harper..."Joke lang joke lang.."aniya ng babatukan ko sana...

"Epal,ikaw magbuhat nito mamaya ah?May kaltok ka sakin pag tinakasan mo ako..."banta ko...

Ngumiwi siya saka umirap..."Oo nalang..."saka siya umupo...

"Hindi ba kayo titigil sa pang aasar ng isa't isa?..."bigla ay tanong ni Ulap...

The MissionWhere stories live. Discover now