The Mission #87: History Repeat Itself

74 3 1
                                    

Wayne's POV

Pangalawang araw na ni Yana dito sa ospital.Hindi pa siya na-discharge kahapon dahil bigla naman siyang na-atake.Ewan ko ba,pero bigla na lang rin lumala ang sakit niya.

Maraming sakit si Yana na hindi niya sinasabi sa amin.Saka na lang talaga namin malalaman kapag nahimatay na o isinugod sa ospital.Mabuti at nasa kabilang room lang si Kuya Chocolate.Si Leo ang attending Doctor niya ngayon at narito kami nakaupo lang habang hinihintay siyang matapos kumain.

Halata sa mukha nito na hirap siyang kumain.Marami kasi ang nakaturok sa mga braso niya at may itutusok na naman sa kaniya mamaya.

"Nasaan si Claude?Hindi pa ba siya bumibisita?"hirap niya itong sinabi.

Nagkatinginan kami ng mga kumag.Simula kahapon ay hindi namin nakita si Claude dito.Maski text niya o tawag ay wala.

Naaawa ako sa kaibigan ko.Niloko na siya't lahat ay hinahanap pa rin niya si Claude.Nang ikuwento sa amin ni Fionna ang nangyari kahapon ay nag-alburoto ako sa galit.How dare he do that to her?

Ang ayos ng pakikitungo ni Yana sa kaniya.Lahat,lahat ginawa ni Yana para sa kaniya.Kahit pa ayaw sa kaniya ng pamilya ni Yana ay ipinaglaban pa rin siya ni Yana.

Hayyy,may anghel ka na nga, naghanap ka pa ng barakuda. Halos lahat ata ng mga babae sa mundo gusto niyang jowain.

"Huwag mo na muna siya alalahanin.Magpalakas ka muna bago kayo mag-usap."ani Harper.

Narito pa rin si Maeva at si Kuya Oli.Sila ang kasama naming nagbabantay habang ang parents naman ni Yana ay nagpunta sa Manhattan upang alayan ng dasal si Yana.

Kinuwento sa akin ni Harper kanina iyon ng magtanong ako.Tradisyon ng mga Reutzel na alayan ng panalangin o ritwal ang sinumang magkasakit sa pamilya nila.

"Hindi pa ba siya nagti-text?I wanna talk to hi---"

"Yana pwede ba?!Kahit ngayon lang,sarili mo muna isipin mo.Hindi ka pa ba nadadala sa mga pinaggagawa niya sa iyo?Ilang beses ka na niyang niloko tapos hahanapin mo pa.Magising ka na nga,puro ka Claude,paano ka naman kung siya na lang palagi mong hahanapin?Wala ka bang pakialam sa sarili mo?Don't you love yourself?"ayan na ang galit na kambal niya.

Natahimik si Yana.

"He's my bestfriend,yes.But topics and matters like this,I won't tolerate him."aniya pa ni Harper.

"Huwag mo na munang awayin,Kuya.She's still not okay yet."sumabat naman si Maeva.

"Tama si Atlas,Mathianna.You should think of yourself first.I know it's hard,but atleast save yourself a little."sulsol naman ni Kuya Oli.

"I loved him,Kuya.Am I not lovable?Do I deserve this?Baka siguro boring akong girlfriend kaya sa iba na naghanap ng kalinga."ani Yana.

She's selfless pagdating kay Claude,sa totoo lang.Saksi kami ng mga kumag kung paano protektahan at ipagtanggol ng isang Yana si Claude.

Pagdating ng ikatlong araw niya ay pwede na siyang ma-discharge sa hapon.Eto nga kami at inaantay na ang result.Si Yana?Okay na siya,ayos na ang pakiramdam niya at hindi na siya nahihirapang gumalaw.

Wala si Maeva dahil ngayon ang araw ng patimpalak na sinalihan niya.Si Harper at si Kuya Oli lang ang nandito na kapatid niya ang kasama niyang uuwi sa La Costa.

Pansamantala ay doon muna kami tutuloy kasama niya.Baka kasi atakihin siya ng depression o anxiety.May work din kasi si Kuya Oli at hindi naman kaya ni Harper ng mag-isa na isugod si Yana kung sakali.

Ikatlong araw na,maya't maya pa rin ang paghahanap ni Yana kay Claude pero wala itong paramdam.

Baka kasama niya si Ashley.

The MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon