Lav's POV
Napatayo ako bigla ng mapagtantong tamang tao ang nahagip ng mata ko sa aming telebisyon....
"Arestado ang dating may ari ng High-Sea Hostel na si Emilton Castañeda kasama ang kaniyang sekretarya na si Faenirah Iran matapos isagawa ang entrapment operation sa abandonang establishimento sa Fourth Street kahapon lang ng bandang alas sinco...Huli sa akto ang dalawang naglalabas ng isang sako ng hinihinalang ilegal na droga kasama na ang dalawang hindi lisensyadong kalibre 45 na baril...Ayon sa dating bise-presidente ng dating sikat na Hostel ay maaring ito rin ang dahilan kung bakit nagkaroon ng utang ang High-Sea ay dahil sa paglabas ng mga pera ng dating CEO para sa ilegal na droga...Sinubukang hing'an ng panayam ng aming team ang kabilang kampo ngunit hindi naman ito pumayag magsalita..."aniya sa balita...
Nahuli na ulit si Emilton?.....
"Kung inyong matatandaan ay nakulong na dati ang CEO matapos mapabilang sa mga samahang humi-hazing ng kabataan... Nagbigay naman ng kumento ang sikat na businessman na si Alex Reu hinggil sa pagdakip dito nga kay Castañeda...Aniya'y naging kaibigan daw nito si Castañeda sa larangan ng kalakalan at minsan na nga rin umano nitong nakita ang ilegal na transakyon ng shabu sa Makati dalawang taon na ang nakalilipas...Sagot naman ng kapatid ni Castañeda ay nasisiguro nitong ini-set up lang ang kaniyang kapatid para maibalik sa kulungan..."
Aba!
Dapat lang na makulong siya ano,ang dami niyang atraso sa pamilya nina Yana...Lalo na kay Harper na paulit ulit niyang pinagtangkaang patayin...
"Ayon naman kay Police General Paccondo Cascilo,matagal na umano nilang minamanmanan ang dating CEO...Aniya pa ay patong-patong na kaso ang inihain sa kaniya kaya hindi na raw umano nito matatakasan..."
Yes naman!
Napasigaw ako sa tuwa na halos yugyugin ko na ng malakas ang balikat ng kapatid kong nasa tabi ko...Tuloy ay malakas na hinampas ni mommy ang balikat ko...Sinong hindi mapapasigaw sa tuwa,ikaw ba naman makarinig ng goodnews...
"Umayos ka Avah,mukha kang kiti-kiting binudburan ng asin...Maghugas ka don!..."
Kita mo si Mommy napaka-KJ,ako na naman maghuhugas!
"Ako na naman?Si Tet din utusan niyo!..."pagpapasa ko ng utos...
"Bakit ako?Avy,maghugas ka raw!.."anaman ng kapatid ko..
"I'm studying!Si Kuya Nash kaya,wala namang ginagawa...Nagtitiktok lang sa kwarto,porke wala ng paperworks na tatapusin!.."sagot naman ng bunso namin...
Napatingin kami kay Mommy ng tawagin niya ang tatay namin...Umuwi kasi ng probinsya ang katulong namin kaya walang naiwang maghuhugas ng plato...
"Ay-ay-ay,ano yan at nagpapasahan kayo?Tumayo kayo riyan at maghugas doon!Kalakas-lakas niyong kumain,sa paghuhugas tinatamad kayo...Laging may dahilan pag inuutusan,o sige at di ako magluluto...Wala ng kakain para wala ng magrireklamo sa paghuhugas..."ani Daddy...
Ganon?
Saktong palakad na ako papuntang kitchen ng makatanggap ako ng message...Galing iyon sa groupchat namin ng mga kumag na ginawa ni Fionna....Pagbukas ko ay bumungad ang isang litrato o screenshot ng conversation ni Harper at ng kambal niyang espanyola....They're inviting us on kuya Ryder's party....
"Sorry,aalis po ako..."usal ko..
"Same..."anang kapatid ko...
Harper :This is today at 6PM,formal attire daw...5:30,kita kits sa 7/11 branch 1...
*Attached Photo*
Wayne :wokieeee!
Rage : I'll bring mango float...
![](https://img.wattpad.com/cover/244264930-288-k962164.jpg)
YOU ARE READING
The Mission
Fanfiction*Disclaimer* All the names,characters,businesses,places,events and incidents in this novel are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner.Any resemblance to actual persons,living or dead,or actual events is purely...