The Mission #81:Opening the eyes of the Truth

106 15 6
                                    

Claude's POV

"Mahal kita,Lant.At hindi iyon magbabago."

"Ipinangako ko sa iyo na mamahalin kita hanggang sa mawala ako dito sa mundo.And I won't break that promise."

Napapikit ako ng magpaulit-ulit ang mga salitang binitawan ni Yana na hindi sinasadyang narinig ko kanina.

Mahal pa niya si Lant,mahal na mahal.Kung ganoon,paano naman ako?Anong lugar ko sa puso niya?

May lugar pa nga ba ako gayong nagbalik na siya?

'Bakit?Hindi pa ba niya naku kwento sayo?. Brad,huwag kang makampante dahil kilala at alam ko kung pano ang pagmamahal para kay Yana....Kapag bumalik na yung taong nawala,siguradong magsisisi ka sa huli na minahal mo pa siya.At yung sa inyo?. Mawawala yan kapag bumalik siya...'

'Ang unang ex lang ni Yana ang nag iisa sa puso nito,hindi mo ba alam iyon?...'

'Hindi ka niya mahal,alam mo kung ano at saan nagsimula ang sainyo...'

Kasabay ng pag-hinga ko ng malalim ay siya ring pag-alala ko sa sinabi ni Creep sa akin dati.

Why didn't I take it seriously?

"Tagal niyo nag-usap ah?Anong chismis pinag usapan niyo?"

Nagmulat ako ng mata nang may pumasok sa silid ni Ian.It was Lant and my girl holding both their baby's tiny hands.

"Dinaanan namin si Stain, discharged na siya."si Lant ang sumagot.

"Eh si Kika at etong mokong na tsino?"tanong ni Lyth.

"Kika is still unconscious."iyan lang ang sagot ni Yana bago lumapit sa akin habang buhat si Stain.

I stayed quiet while listening to them talking about the incident.

"Walter Park..."natigil ang lahat ng biglang tawagin ni Yana si Walter.

May ekspresyon ng pagtatanong ang mukha ni Yana habang nakatingin ito kay Walter.

"Are you really loyal to me?"makahulugang sabi ni Yana...

Takha namang tumingin sa kaniya si Walter na kasalukuyang kumakain.Natawa ito ng bahagya saka napailing.

"You know I can't betray you,Yana.What kind of nonsense is that?"ani Walter.

"Sana lang hindi mo kakainin iyang sinabi mo.Tandaan mo ang sinabi ko sa iyo.I won't spare you nor your family."

Naging seryoso ang kaninang natatawang si Walter at napatitig kay Yana.Maski ang iba ay gulat sa sinabi ng girlfriend ko.

Anong mayroon?Anong nangyayari?

"A-Ano ba yan,napakaseryoso niyo naman."
Ani Lav na halatang natakot kay Yana.

Who wouldn't?If you could only hear and see how she uttered those words, it'll give you shivers down to your spine.

"There's a mole on this team, Laverne Avah."ani Yana.

"Shuta sino yon?"

"Itago mo ng maigi kung gusto mong tumagal.Cause I'll wipe you out of earth's face."seeyosong sabi ni Yana...

Napatikhim ako saka napatingin sa paligid.

"Bakit kung magsalita ka ng ganiyan kay Walter ay parang inaakusahan mo siya?"ani Lav...

The MissionWhere stories live. Discover now