The Mission #83: Yana's Wish

145 13 0
                                    

Yana's POV

I was about to give Rafael Darius a hug when someone grabbed my wrist from behind and pulled me away from Rafa.

Nang tignan ko iyon ay napakunot pa ang noo ko ng makitang si Claude iyon na masama ang tingin kay Rafa.

Problema nito?

Humugot ako ng malalim na mata bago tumingin sa galit niyang hininga.

"Sa akin ka tumabi at huwag sa kung sino."aniya sabay hila sa akin patungo sa kinaroroonan nina Lav.

Mukhang ampalaya ang kinain niya kanina.

Pagkaupo namin ay agad niyang pinagsiklop ang mga daliri namin at saka nagpan-de-kwatrong upo.

He pretended that nothing happened.Minsan hindi ko rin siya maintindihan.Hindi ko naman hinalikan si Rafael pero grabe si Ulap mag selos.

"Anong meron diyan sa nobyo mo?"bulong sa akin ng katabi kong si Wayne.

"Nagselos ata..."sagot ko.

"Ah,eh.Paanong hindi magseselos yan eh grabe ang ngiti mo noong kaharap mo si Rafael Verde.Ngiti na never mo pa pinakita sa amin."aniya.

Napataas ako ng kilay sa sinabi niya.Ano bang masama sa ikinilos ko eh nginitian ko lang naman ang nakatatandang kapatid ni Raph.

Sinubukan kong tanggalin mula sa pagkakasiklop ang mga kamay namin pero ayaw niyang bitawan ang kamay ko't mas lalo pa niyang hinigpitan.

"Balak mo bang baliin ang mga buto ng daliri ko,Claude?"baling ko sa kaniya.

"Babe."pagtatama niya.

"Claude."pagtawag ko.

"Babe nga."aniya sabay tingin sa akin ng masama.

"Babe..."usal ko..."Ano,may balak ka bang durugin ang mga buto ng daliri ko?"pag uulit ko.

Umiling ito na parang bata.

"Lalapitan mo na naman siya kapag binitawan ko ang kamay mo."aniya.

Pinaglihi ba ito sa selos?

"Pinagsasabi mo ba?Pawisan na yung kamay ko,Claude---"he cut me off.

"Babe nga sabi."untag niya.

"Bitawan mo na lang kaya kamay ko?O kaya ay huwag mong higpitan ang pag hawak.Pawisan na't masakit."seryoso kong sabi.

He loosened up and I gasped.

"I'm sorry."aniya.

May kung anong hinugot ito sa bulsa niya tapos ay ipinatong sa kamay naming magkasiklop.

Panyo pala iyon.

Marahan nitong binitawan ang kamay ko tapos ay pinunasan niya ang palad ko.Dahan dahan na akala mo'y isang babasaging bagay ang pinupunasan niya.

Tuloy ay bigla akong nanlambot.

"Oh,baka mauwi yan sa buntisan ha?"biglang sulpit ni Harper sa harap namin.

Masamang tingin ang ibinigay sa kimag at ang gago ay ngumisi pa.

"Mag-jowa ka na nga para may pagka-abalahan kang iba bukod sa maki-alam sa buhay ko!"untag ko.

"I don't need a girlfriend."aniya.

Tologo bo?

"O baka naman hindi ka binalikan ni Kika?"pareho ata kami ng iniisip ni Lav dahil sabay namin iyong nasabi.

Nagkatinginan kami sabay tumawa.

"Oh,shut up!"natalong sabi ni Harper.

Walang sikretong hindi nabubunyag sa akin.I know he asked Kika for another chance pero ang kaibigan ko ay sobrang busy kay Peniel ng BTOB.

The MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon