The Mission #49:Night Market Gala

112 15 0
                                    

Lav's POV

"BOYS VERSUS GIRLS...."Sigaw ni Milo...

Narito kami ngayon sa court ng Senior High dahil occupied ng athletes ang court sa college campus...

Ang mga lalaking ulupong ay naghahamon na maglaro kami ng basketball...Boys vs. Girls ang  kanilang nais...

"I'm not joining..."dismayado kaming tumingin kay Yana...

Ayaw niyang sumali!

"Bakit?!Eh ikaw pag asa namin eh!..." reklamo ni KL...

"Ang KJ mo naman ngayon mahal,dinatnan ka na ba?..."usal ko...

Tumingin ito sa akin saka ngumiwi...

"Kaya niyo na iyan...Nanalo nga kayo noong injured ako noon eh..."aniya...

"Siyempre pinanalo namin para sayo kasi injured ka...Sige na,ngayon na nga lang tayo ulit maglalaro...Saka ayaw mo bang ipakita ang moves mo as MPV?Hamon na hamon ang mga kumag na iyon oh!..."ani Wayne...

"Tagal niyo naman...Ano na?.."ani Lyth sa kabila....

"Saglit lang!Akala mo naman aalis iyong bola eh!Tapakan bola mo diyan eh!"si Wayne ang sumagot...

"Okey,since Yana isn't going to join...Tayo nalang ang tatalo sa mga iyan...Let us show them what they're looking for....Show them the ferocious BMGV players..."usal ko...

"But we need someone who is good at stealing...Hindi naman ako magaling sa agawan ng bola..." ani Wayne habang nakatingin sa papel na hawak....

"Oo nga,si Yana lang ang magaling umagaw ng bola sa atin eh..."ani Fionna...

Magsasalita na sana ako ng magsalita si Yana...

"Why don't you join,Kika?...Total mang aagaw ka naman?..."gulat kaming napatingin kay Yana ng sabihin niya ito....

Hindi ko iyon inaasahan...Yana,ano ka ba naman...

"1-0!..."sigaw ni KL...

"W-What do you mean?..."ani Kika...

Ngumisi si Yana...."I'm just kidding,huwag mong seryosohin...Sige na,sasali na ako...Pag natalo tayo,pay me 100 each..."ani Yana...

Nakita ko namang umirap si Kika...Iyong paraan niya ng pag irap,masakit sa mata.... Ang sarap tusukin ng stick!

"Ngayon palang,ramdam ko na ang pagka-panalo...Ano Yana?Pag nanalo kami, ililibre mo ang boys...Kung talo kami,kami ang man-lilibre sa inyo..Deal?..."Hamon ni Pat kay Yana...

Huh! At talagang si Yana pa ang hinamon ng isang to?...Baka umiyak lang sa huli...Tsk!

At dahil nga isinali ni Yana si Kika ay silang lima muna ang pumasok at ako ang mag isang naiwan nananobood sa bawat galaw ng dalawang koponan...

Noong una ay maganda pa ang pakiramdam ko sa laro,pero ng tumatagal na ay iba na ang napapansin ko...Parang hindi na boys vs. girls ang naglalaban kung hindi sina Yana at Kika na...

Anong klaseng match to?...Yana vs. Kika?

Para maiwasan ang gulo,nang magtime out ay ako na ang pumalit kay Kika....Baka riot nanaman ang kahihinatna ng laro at may magkatampuhan nanaman...

Ng patapos na ang laro ay isang puntos ang lamang ng team ng boys sa amin...Kita naman sa mga mata ni Yana na ayaw niyang manalo ang boys kaya sa huling oras,nag three-point-shoot ito...

3...2..PASOK!

"Holy cheesecake!"

"Ayyy!"

"Pasok!"

The MissionWhere stories live. Discover now