The Mission #20:The Long Lost Brother

165 12 0
                                    

Lav's POV

Dinala si Yana sa Ospital dahil tuloy tuloy ang pagsakit at pagdurugo ng sugat sa tagiliran nito...

Kahit takot man sa kaniya ay nangibabaw naman ang pag aalala naming lahat ng masilip namin kung gaano kalaki ang sugat niya...

Kasalukuyang nasa operasyon si Eden dahil tinatanggal ang bala sa mga binti nito...

"Ayos lang ba kayo?.."maya maya'y tanong ni Walter...

Saakin siya nakatingin pero ang tanong ay panglahat...

"Ok lang ako..."sabay sabay na sagot nila Wayne pero nanatili akong tahimik...

"Brad,kailangan raw tayo sa hearing pagkatapos ng pagpapahinga ni Eden...
Kailangan ng testigo na inosente si Yana..."anang kararating na si Leo...

Nagpintig ang mga taenga ko ng marinig ang sinabi nito...

"Anong ibig mong sabihin?..."tanong ni Fionna...

"Makukulong si Yana...Alam niyo naman siguro ang patakaran diba?...Pinatamaan ni Yana ang hindi lang iisa kundi higit pa sa beinteng katao...Saksi kayo roon..Kailangang may testigong magsasabi na inosente si Yana at nagawa lang niya iyon dahil sa serbisyo at pag pu protekta sa biktima sa bingit ng kamatayan nito..."Sagot ni Walter...

"Hindi sapat iyong mga sugat niya para maging ebidensya..."ani Leo...

"Hindi ko maintindihan...Bakit noong sina Wellington ang nakatama at muntik ng makapatay hindi naman sila pinatawag sa hearing..."usal ko...

"Head chief si Yana...At nasa patakaran ng mga lider na kung maaari ay huwag magtanim ng bala sa katawan ng kalaban.."ani Leo..

"Alam na ba ni Supremo iyon?.."ani Fionna...

"Si supremo mismo ang naglagay kay Yana sa ganoong sitwasyon..."sagot ni Walter...

Paanong?....Paanong nagawa iyon ni Supremo?...

"Eh si Eden?...Paano siya makakasuhan kung makukulong si Yana?.."usal ko...

"Iyon na nga eh...Nasa Maynila ang pamilya ng mga biktima at wala rito...Kailangan pang iuwi siya ng Maynila..."ani Leo...

"Hindi to pwede...Hindi kriminal si Yana para makulong..."ani Harper...

"Hindi naman lahat ng napupunta sa kulungan puro kriminal...Makuha mo sana ang ibig kong sabihin.."ani Walter...

Kinain kami ng katahimikan at walang nagsalita...Nabasag lang iyon ng nakarinig kami ng sigawan sa loob ng silid ni Yana...

"Sinabi ko na!Aalis ka ng organisasyon at hinding hindi ka na babalik!..."boses iyon ni Kuya Ferrero..

"Hindi,hindi mo gagawin iyan...Alam mo kung gaano ko kamahal ang organisasyon..."rinig kong sagot ni Yana...

"Jusko Maria Mathianna!...Hindi ka ba naaawa sa sarili mo?...Puro ka sugat!...Pag sinabi kong aalis ka ng organisasyon,Aalis ka!...Tignan mo,sa pagiging loyal mo sa organisasyon makukulong ka pa!..."ani kuya Ferrero...

"Handa akong makulong kung hustisya ang kapalit ng pagiging inmate ko.."ani Yana...

"Nasisiraan ka na ba ng ulo?!...Yana naman,matauhan ka na!Hindi mo ba naririnig sarili mo?...Alam mong sa organisasyon na yan wala kang kakampi!Ni si Supremo nga ay ginawa ka pang kriminal...Yana please...makinig ka naman sakin...Kahit ngayon lang..."

"Sorry....sorry pero hinding hindi ako aalis ng organisasyon hanggang hindi naibibigay ang nawawalang hustisya...Aminado ako sa ginawa ko,kuya...At handa akong makulong...Kahit pa man gusto nilang patayin si Harper,tao pa rin sila at karapatan nilang makuha ang hustisya dahil muntik na silang mamatay...Hindi ko kayang iwan ang pinangakuan ko....Alam mo kung para kanino at para saan ang misyon...Hindi ko kayang mawala pa siya...Nahanap na natin siya...Malapit na siyang mapunta sa atin..."

The MissionWhere stories live. Discover now