Harper's POV
Today is Sunday and it's September 28.
Ngayon ang alis namin papuntang Pransya.Sa sobrang excited kasi ni Ate Maya ay gusto niyang magpa party na agad.
Bwisit na bwisit naman si Yana habang nasa biyahe kami.Sobrang ingay kasi ng mga kumag at panay ang sigawan at tawanan.Mabuti na lang at private plane ito.Ako mismo ay nahihiya na rin sa mga kasama pa naming kamag anak ni Lantis.
"Ano ba?!Magpatulog naman kayo kahit mga bata na lang!"bulyaw ni Yana dahilan ng pagkatahimik.
Si Cannon ulit ang piloto namin.Kasama pa nito sa desk si Raphiel na kapwa niya piloto.
Pareho silang sawi.Parehong iniwan ng mga babae.Si Cannon ay iniwan ng flight attendant na nakilalanniya sa UAE habang si Raphiel ay iniwan ni Sierra.
Nasaan nga ba ang isang yon?Ilang buwan ng di nagpapakita sa amin.
"Marunong rin naman pala kayong itikom ang bibig eh.Pinasigaw niyo pa ako,pisti!"aniya pa ni Yana.
Mula paggising niya kanina,banas na banas na siya.Ewan ko ba,wala namang ganiyang ugali ang Daddy niya o kaya si Mommy.
Sobrang sungit niya at laging pikon.
Hanggang sa makalapag kami ng Pransya ay wala ng nag ingay.Takot na siguro nila kay Yana.
Papalabas na kami ng eroplano nang tumigil si Yana sa paglalakad.Napasulyap pa ako sa labas at napamura na lang ako nang makitang maraming paparazzi na nasa labas.
Inaabangan ata nila sina Yana.Siya,si Drake,si Rafael at si Nash lang naman ang kasama naming artista eh.
"Ate,chill ka lang.Sabi sa iyo hindi ka dudumugin ng pulis."ani Maeva.
Pero may mga parak sa labas.
"May mga officers sa labas,Maeva."ani Yana.
"Oh eh,baka iga-guide lang tayo?"sabi naman ni Kuya Sam.
Wala ng nagawa si Yana at dahan dahan siyang bumaba.Si Rafael ang may buhat kay Stain habang si Yana ang may dala ng bag ng bata.
Ako?Ako ang magbubuhat ng lahat ng gamit ng mag ina.
"Miss,Amaury!Welcome back to France!"maligayang bati ng sa tingin ko ay ang Prime Minister ng Pransya.
Nagugulat pa si Yana dahil sa reaksyon ng primo ministro sa kaniya.
"Don't worry,you are not banned from this country since this is your country to rule."aniya pa.
Your country to rule?
Bakit?Ano ba si Yana dito?
"Thank you for warmly welcoming me,Mr. Real."pasasalamat naman ni Yana.
"Oh, it's a small thing,besides you're my niece.You are now back to your hometown."sabi naman ng primo ministro.
Pamangkin niya si Yana?!
Grabe,although kapatid ko si Yana di ko pa alam ang tungkol doon.
Marami pang sumalubong kay Yana at halos nabagot na kaming lahat.Sobrang daming tao dito sa airport at lahat sila ay naka abang kay Yana.
Gaano ba talaga ka-famous ang kambal ko?
Hanggang sa pagsakay namin ng Van ay may mga naka sunod pa rin sa amin.Hula ko ay mas lalong nainis si Yana.Ayaw na ayaw niya ng camera na nakatutok lagi sa kaniya.
Ano pa ba magagawa niya?Artista siya eh.
Dinala kami sa isang palasyo,este mansion.Pag aari daw ng Daddy ni Yana.
BINABASA MO ANG
The Mission
Fanfic*Disclaimer* All the names,characters,businesses,places,events and incidents in this novel are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner.Any resemblance to actual persons,living or dead,or actual events is purely...