The Mission #34: Hearing Aid

130 12 0
                                        

Yana's POV

Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko saka bumungad sa akin ang liwanag na nanggagaling sa itaas...

Teka,nasa langit na ba ako?!....

Puting dingding,amoy alcohol,amoy medisina...Nasa ospital ako?Ano namang nangyari sa akin?...

*FLASHBACK*

Binilisan kong tumakbo upang sana'y maabutan si Wayne ngunit biglang may bagay na tumisod sa akin kaya malakas akong napamura...

Hindi ko pa man nararamdaman ang hangganan ng hagdan ay unti unti ng kinain ng dilim ang sistema ko...

*FLASHBACK ENDS*

Nasisiguro kong may sumadyang patirin ako para mahulog sa hagdan...

Ng ibaba ko ang tingin sa kamay ko ay maraming nakatusok roon kabilang na ang dextrose na siyang nagbibigay sa akin ng hangin saka tubig...

Maya maya pa ay kita kong may pumasok na nurse,siguro'y oras na para imonitor ako...
Pero teka,bamit wala akong naririnig?
Maski angntunog ng pagsara ng pinto ay hindi ko narinig...

Ang monitor na nasa gilid ko,hindi ko marinig...Maya pa ay nagsipasukan ang mga propesyonal na taga gamot kabilang na ang kapatid kong si Chocolate...

Nagtatanong sila ng kung ano ano pero wala akong maintindihan dahil wala akong naririnig...Bingi na ba ako?...

Bakit wala akong naririnig?...Gusto ko mang tugunan ang mga katanungan nila ay hindi ako mamarelate dahil wala akong naiintindihan maski isa...

Maya maya pa ay halatang sumisigaw na si Chocolate....Mahina,sobrang hina ng naririnig ko...Potek magiging bingi na ako!....

Maya maya pa ay naramdaman kong may umagos na likido sa gilid ng mata ko...
Nakakaiyak,bingi na ako...Hindi ko na maririnig ang tinig ng pamilya ko...

Ang musika,hindi ko na maririnig...
Mga tinig ng ibon sa umaga,hindi ko na maririnig...Mga busina sa kalsasa,hindi ko na maririnig...

Mga tawanan kabilang na ang pagtawa ko,hindi ko na maririnig...How unlucky I am...How sad this life I have was...

I look pitiful and poor...Kabilang na ako sa mga PWD's ngayon...Ang tinig ng maliit kong pamangkin,hindi ko na maririnig...

Ilang oras na ang nakalipas at tinanggal na ang mga ibang apparatus sa katawan ko ngunit wala pa rin akong naririnig...

Tell me this is just a dream please...

Kahit pa ng kausapin ako nina Lav ay tingin lang ang naisasagot ko...Baka iniisip na nilang hindi ko sila kilala o may amnesia na ako...

Sa tuwing mapapatingin ako sa mga aparatong nakaturok sa katawan ko ay hindi ko maiwasang maluha...

I was so dumb for not looking at my way...
Napakatanga kasi,ayan tuloy at nasa ospital ako ulit...Ito na ata ang bahay ko't lagi nalang akong naipupunta rito...

Sinubukan kong bumuntong hininga ng matunog ngunit pati boses ko ay diko marinig....O kung may tunog ba ang pagbuntong hininga ko...

Harper's POV

Kunot ang noo namin ni Lav habang pinapanood namin ang kapatid kong parang baliw na ngingiti tapos ay maluluha...Tapos mamaya maya ay tatawa na parang tanga tapos iiyak nanaman...

"Hindi kaya,ito na yung epekto ng pagkahulog niya?..."ani Lav...

"Sa tingin ko nga'y ito na ata ang epekto non sa kaniya..."napapailing nalang ako sa sinabi ko...

The MissionWhere stories live. Discover now