Harper's POV
Maya maya lang ay tinawag na kami ng organizer at pina pila.
At dahil mauuna si Yana at Drake Evans sa likod naman nila kami ni Kika.Oo,ang mahal ko ang kapareha ko.Hindi ako ngumiti o tumingin man lang sa kaniya.
Napikon ako kanina dahil hindi niya ako kayang intindihin.
Nagsimula na ang pagtugtog ng banda ng simbahan.Pianista si Rafael at siya ang tumutugtog nito.
Astig naman ni Rafael,CEO na Architect na artista na singer at pianista pa.
Ang swerte ng kambal ko.
"Sabi nila,balang araw darating
Ang iyong tanging hinihiling..."Nanlaki ang mga mata ko ng marinig kumanta si Yana na nasa harap ko.
Shuta?Akala ko ba si Rafael ang kakanta?
"At n'ong dumating,ang aking panalangin
Ay hindi na maikubli..."Nagsimula na silang maglakad ni Drake habang kumakanta siya.
Ito ba ang sinasabi niyang surpresa niya para kay Ate?
"At ngayon,nandito na
Di mapaliwanag,ang nadarama
Handa ako sa walang hanggan
Di pa-aasahin,di ka sasaktanMula noon,hanggang ngayon,ikaw at ako..."
Pagkanta nito sa koro ng kanta.
Ang boses niya ay mala anghel ang tinig.Parang may lason ang boses niyang kahit na sinong makakarinig ay maaakit.
Nang makarating kami sa gitna ay si Rafael naman ang kumanta ng pangalawang bersa ng kanta.Duet nga ito.
Maganda ang boses ni Rafael,deep but it sound so good.Hanggang sa sabay na nilang kinanta ang koro ay namamangha ko silang pinanood.Ang pag blend ng kanilang mga boses ay sakto at magandang pakinggan.
Umi-eksena pa ang dalawa.Kasal ito ni Ate at hindi nila concert na dalawa.
"May kaibigan ba talaga akong anghel?"rinig kong sabi ni Kika.
Kung hindi ko siguro kapatid o kambal si Yana ay liligawan ko na.Sa ganda ng boses niya,sino ba ang hindi maaakit?Lalo na kung pati sa mukha ay mala anghel ang ganda.Ang pagkatao?Parang flavor lang yan,sweet and sour.
Sweet na caring,tapos sour iyong mala demonyo niyang side.
Nang matapos na ang ninong at ninang na maglakad ay inabangan na namin ang huling papasok.Ang bride ni Lantis.
Patapos na kumanta sina Yana at nang makarating sa gilid namin si Ate ay lumapit si Yana upang tulungan siya sa suot niyang wedding gown.
"At ngayon,nandito na
Palaging hahawakan iyong mga kamay
Di ka na mag iisa
Sa hirap at ginhawa ay iipigin kaMula noon,hanggang ngayon
Mula ngayon,hanggang dulo,oh~
Ikaw at ako..."Now I'm imagining myself being the one in front,with the love of my life.
"Harps..."napatingin ako kay Lyth.
"Oh?"
"Paano kung kayo naman ni Kika ang nariyan?"aniya.
"Edi goods..."sagot ko.
"Iiyak ka ba?"aniya muli.
"Malamang pre,sino ba ang hindi maiiyak sa harap kung ang pakakasalan mo eh iyong matagal mong nakasama at ang pangarap mong bigyan ng anak na isang dosena?"sumabat si Pierre.

YOU ARE READING
The Mission
Fanfiction*Disclaimer* All the names,characters,businesses,places,events and incidents in this novel are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner.Any resemblance to actual persons,living or dead,or actual events is purely...