Chapter Fifteen

5.1K 168 8
                                    

Song: Your Words- Tori Kelly

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Song: Your Words- Tori Kelly

Laban

Marami agad ang nakiramay sa amin sa unang araw ng lamay ni Mama. Halos hindi rin ako makausap ng ibang bisita dahil bukod sa tulala pa, wala naman akong ganang kumausap ng kahit sino ngayon.

Sa tuwing nagsasabi sila na nakikiramay sila, tango lang ang palagi kong isinasagot. Walang gana rin akong naghahatid ng pagkain sa ibang bisita sa tuwing mauutusan ni Tita at Lola.

Sobrang sakit at hirap pilitin ng sarili na umaktong hindi ka naaapektuhan sa nangyayari. Sobrang bigat. Gabi-gabi na lang ako umiiyak dahil naaalala ko ang nangyari kay Mama... pati na rin ang pag-amin ni Papa.

Nahatulan na si Papa sa korte. Wala ata siyang posibilidad na mapagbigyan ng parole dahil pursigido ang mga Castellaño na 'wag siyang palabasin ng kulungan.

Minsan naiinis na lang talaga ako sa sarili ko dahil laging kong pinipilit na ipakita na ayos lang ako kahit na hindi. Pinipilit kong magpakatatag kahit na alam ko sa sarili ko na wala akong lakas para gawin 'yon.

Bakit ba hirap na hirap akong ipakita na mahina ako ngayon? Dahil ba nawalan na ako ng taong makakapitan kaya ganito? Dati naman hindi problema sa akin na ipakita ang kahinaan ko ah? Kaya anong pinagkaiba ngayon at bakit biglang puro pagpipigil sa sarili na lang ang ginagawa ko?

"Nakikiramay kami, Zia..."

Tamad lang akong tumango nang sabihin iyon ng isa sa mga kapitbahay namin. Gumilid ako para bigyan sila ng pagkakataon na tingnan si Mama sa loob ng kabaong niya.

Lumunok ako at inilibot ang tingin sa paligid. Nakita ko si Lola na nagbibigay ng pagkain sa mga nagsusugal. Pinunasan niya ang pawis niya at halatang pagod na pagod na.

Umalis ako at iniwan ang kadadating lang na mga kapitbahay upang tulungan si Lola.

"La, ako na po riyan. Magpahinga na lang po muna kayo." sabi ko sabay inagaw ang hawak niyang tray.

Tipid siyang ngumiti sa akin at tumango. Pinunasan niyang muli ang kanyang pawis.

Inalalayan ko naman siya paupo sa isa sa mga silya. Tinapat ko rin sa kanya ang electric fan upang mapatuyo niya ang pawis niya. Si Tita abala sa pagluluto ng pagkain kaya hindi niya rin natitingnan si Lola.

"Juice po muna kayo..." mahina kong sinabi at inalok ng maiinom ang mga bisita.

"Salamat, hija," aniya sabay tanggap ng juice na binigay ko. "Ang bilis ng pangyayari 'no? Parang nung isang araw lang, kay Lucy pa ako bumili ng gulay sa palengke. Tapos ngayon..."

Agad na kumirot ang dibdib ko nang mabanggit nila si Mama. Naestatwa ako sa tabi nila, hindi alam ang sasabihin.

"Alam na ba ng Papa mo ang nangyari?"

Hindi ko naman inaasahan na itatanong 'yon ng isa sa mga bisita. Halos lahat sila alam ang nangyari kay Papa. Syempre, lagi iyong binabalita sa TV kaya hindi na rin nakakapagtaka kung alam nila.

The End of It All (Castellaño Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon