Song: To Be Young- Anne-Marie ft. Doja Cat
Careful
Pagkababa palang ng sasakyan ay agad akong hinila ni Mama papasok ng mansion ng mga Castellaño. Hindi ko maiwasang mamangha sa lawak at laki nito. Ngayon lang ako nakakita ng mala palasyong bahay! Walang ganito sa probinsya namin.
Nilingon ko si Papa na abala sa pagbaba ng mga gamit ko sa sasakyan na pinahiram sakanya ng boss niya. Si Mama naman ay bitbit ang iba ko pang gamit habang hinihila ako papasok.
Nagmamadali siya dahil marami pa daw siyang aasikasuhin lalo na't may magaganap na pagdiriwang ng kaarawan mamayang gabi.
"Ang laki ng bahay nila, Ma!" hindi makapaniwala kong sinabi habang nililibot parin ang tingin sa kabuoan ng bahay.
Tipid na humalakhak si Mama at pinagbuksan ako ng pinto.
"Kaya 'wag kang magkukulit dito sa loob, Zia. Maraming mamahalin na gamit dito at wala tayong pambayad kung may mababasag ka!"
Umismid ako kay Mama. Maingat naman ako kapag nasa bahay ako ng di kilala. At isa pa, hindi naman ako siguro palaging maglilibot dito lalo na't nandito lang naman ako para tumulong kay Mama.
Bakasyon ngayon at naisipan nila Mama na dalhin ako dito sa Maynila at panandalian munang maniharan dito kasama sila. Mabuti nalang at pumayag ang mga amo niya.
Matagal na nagtatrabaho ang mga magulang ko sa pamilyang Castellaño. Sa tagal nila dito ay nagawa akong maipadala ni Mama sa magandang eskwelahan sa probinsya namin.
Nagtatrabaho si Mama rito bilang katulong habang si Papa naman bilang drayber. Sa tuwing magkukwento si Mama tungkol sa pamilyang ito, wala siyang nasasabing masama. Masaya ako dahil maganda ang trato sakanila rito.
Ang ibang mayayaman kasi, iba ang trato sa mga katulad naming wala masyadong kaya. Mababa ang tingin nila sa amin dahil hindi kami kasing lebel nila.
Kaya nakakatuwang isipin na kahit papano may mga mayayaman parin―katulad ng pamilyang Castellaño―na hindi ginagawang isyu ang antas ng buhay.
Namilog ang mga mata ko nang makapasok kami sa loob.
"Wow!" singhap ko. "Ang ganda dito, Mama!"
Isang malaking hagdan agad ang sumalubong sa amin pag-pasok sa loob. Pakiramdam ko nasa ibang panahon ako dahil hindi ganito ang itsura ng mga modernong bahay na nakikita ko sa TV.
It looks ancient and classic. Parang naisabuhay ang mga dating nakikita ko lang sa libro. Parang mga hari at reyna ang nakatira dito!
Nilingon ako ni Mama at nginitian.
"Kaya mag-aaral ka ng mabuti, anak, para sa future maging ganito din ang buhay natin!"
Ngumiti ako pabalik sakanya. Tumango ako dahil iyon din naman ang gusto kong mangyari pag-laki ko. Gusto kong mabigyan ng magandang buhay ang mga magulang ko. 'Yong tipo na hindi na nila kailangan pang magtrabaho sa ibang tao.
BINABASA MO ANG
The End of It All (Castellaño Series #2)
RomanceHe was my soulmate who wasn't meant to be.