Song: Never Alone- Lady Antebellum
PMA
Habang nag-aayos ng gamit para sa pag-lipat namin ng bahay, bigla kong nakita ang naging regalo ni Sven sa akin noong nakaraang pasko.
Kinuha ko ito at saglit na pinagmasdan. Tanda ko pa kung paano niya ibinigay sa akin ito. Naalala ko kung gaano ako katuwa nang matanggap ko 'to sa kanya.
Dahan-dahan kong binuksan ang music box. Napabuga nalang ako ng malalim na hininga nang tumugtog ang kanta.
Sa totoo lang, nasasayangan ako sa pagkakaibigan namin nila Sven at Isaias. Sayang at kailangan na humantong sa ganito. Sila pa naman ang tinuturing kong pinaka matalik na kaibigan. Hindi ko akalain na sa ganito pa talaga magtatapos ang pagkakaibigan namin...
Sa halip na magpakain sa lungkot ay sinara ko nalang muli ang music box at inilagay na sa balikbayan box na puno ng gamit ko.
"Zia, halika na! Narito na ang jeep!" narinig kong sigaw ni Lola kaya mas lalo akong nagmadali na ayusin ang gamit.
"Heto na po, La!"
Mabilis kong ipinasok sa box ang iba ko pang mga gamit. Nilagyan ko ng tape iyon para masigurong secured ito habang nasa jeep. Binuksan ko ang aking pinto at agad na bumungad sa akin ang isang lalaki.
"Eto ba ang mga gamit mo, ineng?" tanong niya.
"Ah, opo." sagot ko.
Bahagya siyang ngumiti sa akin at yumuko upang kunin na ang iba kong gamit. Tumulong din ako sa pag-lalagay ng ibang bag at box sa loob ng jeep.
"Tama na 'yan, Zia. Hayaan mo na sila riyan. Sumakay ka na rito." ani Tita.
Umusog siya bahagya para magkaroon ako ng espasyo sa jeep. Natanaw ko naman si Lola sa kabilang banda na mataman na nakatingin sa labas.
Malungkot akong ngumiti habang pinapanood siya. Alam kong importante sa kanya ang bahay na ito. Nakakalungkot lang isipin na kailangan niyang isakripisyo ito para lang sa akin.
"'Wag kang mag-alala, Zia. Ayos lang talaga sa lola mo na ibenta 'tong bahay. Siya na rin ang nag-sabi na hindi na 'to mapakikinabangan at mas mabuti nang tumira sa bahay na naipundar ng Mama mo. Huwag sanang sumama ang loob ko dahil dito, Zia. Ayos lang talaga."
Agad naman akong napabaling kay Tita nang dahil sa sinabi niyang iyon. Napansin niya siguro kung paano ako tumingin kay Lola.
Tipid akong ngumiti sa kanya at nagpakawala ng malalim na hininga.
"Hindi ko lang po maiwasan. Tiyak po kasing madaming alaala si Lola rito sa bahay kaya..."
"Hayaan mo, mas madaming tayong alaala na bubuuin sa bagong bahay niyo. Sayang lang at hindi man lang naranasan ng Mama mo na tirahan ang pinaghirapan nila ng Papa mo."
BINABASA MO ANG
The End of It All (Castellaño Series #2)
RomanceHe was my soulmate who wasn't meant to be.