Song: Good Woman- Maren Morris
Prom
Papa walked out that night. Hindi ko alam kung saan siya nagpunta kaya nag-aalala ako. I had to stay with Mama until she calms down. Ang magkapatid hindi din umalis kahit na masyado nang gabi at oras na para matulog.
"Sige na, Sven at Isaias. Okay na kami ni Mama dito." Sabi ko sa mababang boses at nilingon si Mama na nakatulala lang habang hawak ang baso ng tubig.
"Paano ang Papa mo, Zia?" tanong ni Sven.
Nagkibit ako ng balikat. Sa totoo lang, ang hirap pumagitna sa kanilang dalawa ni Mama. Hindi ko alam kung sino ang pipiliin na samahan. I know Papa needs someone, too. Mukhang hindi rin biro ang naging away nila ni Mama. I'm sure he went somewhere to let out his frustrations.
"Babalik din 'yang Papa mo bukas." Simpleng sagot ni Mama.
Nanatili siyang nakatulala sa kawalan nang lingunin ko siya. I frowned. Matagal na ba silang nag-aaway? Bakit hindi ko alam? Bakit hindi ko man lang naramdaman na may mali sa pagitan nilang dalawa?
"Ma..." tawag ko. "Ano po ba kasi ang nangyari?"
Lumunok si Mama at umiling. Inabot niya sa akin ang baso ng tubig at tsaka umusog para humiga na siya sa kama. Bumagsak ang balikat ko.
"Matutulog na ako. Matulog na din kayo."
Hindi ko maiwasang maging malungkot sa nangyayari. I glanced at my mother again to see her closing her eyes. I sighed heavily.
Ano ba ang ibig sabihin ng sinabi ni Mama kay Papa kanina? Ugnayan? Kanino? May... iba ba siya?
Umiling ako. Impossible. That will definitely be a nightmare not just to Mama but also to me. We were a happy family. Kahit medyo hirap sa buhay, masaya naman kami kaya hindi ko maiintindihan si Papa kung sakaling may iba nga siya.
Plus, he can never do that to Mama! He loves her dearly! Hindi niya kayang gawin sa amin 'yon! Papa may be soft spoken but I know that deep inside his heart, we are the only ones that matters to him. Malaki ang pagpapahalaga niya sa amin kaya sigurado akong hindi niya magagawa sa amin iyon.
Tumayo ako ng kama upang iwan na muna nang sandali si Mama at hayaan siyang magpahinga. It's late now but I don't even feel sleepy yet. Maybe that's because of what I've witnessed a while ago. That made me so wide awake.
Kung anu-ano ang pumapasok sa isip ko. Kung anu-anong maaaring dahilan ng pag-aaway nila Mama ang umiikot sa isip ko.
Nang isara ko ang pinto ng kwarto namin, hindi ko na napigilan pa ang sarili. Sinapo ko ang mukha ko at tuluyan nang humagulhol.
Sobrang sakit lang isipin na maaaring masira kami nang dahil sa ano mang nangyayari. Hindi ko kakayanin iyon. Kung maghihiwalay sila, hindi ko alam kung sino ang pipiliin. At lalong ayaw ko rin na humantong kami sa gano'n.
BINABASA MO ANG
The End of It All (Castellaño Series #2)
RomanceHe was my soulmate who wasn't meant to be.