Chapter Three

5.9K 178 13
                                    

Song: Anaheim- Nicole Zefanya 

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Song: Anaheim- Nicole Zefanya 

Kaibigan

"Tingnan mo 'yung isa, feel na feel 'yung suot niya." Turo ni Sven sa isang bisita na nakasuot ng mamahaling damit.

I sneered at him and rolled my eyes. Dami naman napapasnin nito.

Humalukipkip siya habang binabati ang mga bagong dating na bisita. Sinubukan kong ngumiti sa lahat ng mga pumapasok kahit na panay ang puna ni Sven sa mga damit nila.

Tahimik lang si Isaias sa tabi naming at hindi nagsasalita habang binabati ko ang mga bisita.

"Ang sama talaga ng ugali mo." Sabi ko kay Sven at plastic na ngumiti sa pumasok.

Sven scoffs and harshly turns to me. Humawak pa siya sa dibdib niya na para bang nasaktan siya sa sinabi ko.

"Sinabi ko lang ang napansin ko. There's nothing wrong with it."

"Wala ngang mali pero sana sinabi mo man lang nang mas maayos. Parang nang-aasar ka pa, e."

Tumawa siyang muli. Nilingon ko siya at nakitang nakataas na ang kilay niya sa akin ngayon.

"How should I say it then?" he asked. "Uy, Mars! Ang ganda nang damit mo. Saan mo binili 'yan? Parang gusto ko rin niyan. Gano'n ba?"

He hissed and shakes his head. Inirapan ko siyang muli.

"Ewan ko sa'yo. Sana di ka nalang pumayag na makibati ditto kung puro pamumuna lang rin naman pala sa mga bisita ang gagawin mo."

"E, sa gusto-"

Hindi na niya naituloy pa ang kanyang sasabihin dahil agad nang sumabat si Isaias. He sighed heavily and turned to us boringly.

"Stop it you two! Kanina pa ako naririndi sa inyong dalawa."

Ngumuso ako. Ito namang si Mr. Topakin!

I mocked Sven like I'm telling him that this is his fault. Birthday ngayon ni Tita Astrid at may handaan kaya marami ang dumalong mga bisita.

It's been 2 years since I moved here in Manila. Malaking pagbabago ang nangyari sa buhay ko simula nang dito ako tumira. Mas masaya dahil kasama ko na palagi sila Mama.

Malungkot lang dahil iniwan ko sila Lola at ang mga kaibigan ko sa probinsya. Nang sinabi ko sakanila na sa Manila na ako mag high-school agad silang nainggit sa akin.

Marami sa amin ang gustong makarating at dito tumira sa Manila. Ngunit dahil sa kahirapan din ng buhay, hindi nila magawa-gawa ang pangarap na iyon.

"Si Boss Isaias naman ang init agad ng ulo." Pang-aasar ni Sven sa kapatid.

Isaias then turned to him to glare at his brother. Umismid ako at pumagitna sa kanila.

"O... kayo naman ang tumigil ngayon. Dito pa talaga kayo mag-aaway."

The End of It All (Castellaño Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon