Song: Little Girl- Monogram
Walls
Dismayado kong binagsak ang balikat ko nang madinig ko ang sinabi niya. Sa inis ay hindi ko na napigilan pa ang sarili at pinakita na sa kanya ang nararamdaman.
Nakangisi pa rin siya ngunit nang mapansin ang reaksyon ko, unti-unti iyong nawala.
"Nananadya ka ba?" walang halong biro kong sinabi. "O sadyang papansin ka lang?"
Sven's mouth parted. Umangat pa ang magkabila niyang kilay. Mukhang hindi inasahan ang sinabi ko.
"Akala mo ba nakakatuwa 'yang ginawa mo?"
Humakbang ako palapit sa kanya. Napaatras siya sa kanyang kinauupuan, mukhang maiintimidate na. Masamang tingin ang iginawad ko sa kanya dahil hindi ko na talaga mapigilan ang sarili.
Bwisit na bwisit ako sa kanya! Bwisit na bwisit!
"Sa tingin mo nakikipaglokohan ako?" pagpapatuloy ko.
"Well, I didn't know-"
"Sven, halos makabunggo na si Kiko para lang masiguro na makarating agad ako rito! Sinong matutuwa na malaman na isang oras ka na raw nawawala tapos pag-balik ko, makikita kita rito na para bang katatawanan lang ang lahat nang 'to para sa'yo?!"
Sven blinked. He opened his mouth but he couldn't bring himself to say something.
"Narito ako para mag-trabaho at hindi para makipagbiruan sa'yo! Pakiusap naman na 'wag mo sanang idamay 'tong trabaho ko dahil sa oras na magkatotoo 'yang biro mo, ako ang malalagot dito!" sabi ko. "The General gave me this mission because he trusts me... pero paano kung may mangyari ngang masama sa'yo, sino sa tingin mo ang malalagot? Hindi naman ikaw 'di ba? Ako! Because I failed to do my only job and that is to protect you and keep you safe!"
Sobrang bagal na ng bawat hinga ko dahil sa inis ko sa kanya. Kung gusto niyang magpapansin, humanap siya ng ibang tao dahil ako... wala akong oras makipagbiruam sa kanya.
I never thought that this would happen. He made me fall into his stupid tricks.
I clenched my fist and breathed hard.
"Kung may galit ka... sabihin mo. Hindi 'yang gumagawa ka pa ng kung anong kalokohan! Seryoso kong ginagawa ang trabaho ko rito, Sven. Sana naman bago mo ginawa 'yun, nag-isip ka muna. Hindi ka na bata! Grow the fuck up!"
"Zia, I-"
Tinaasan ko siya ng kilay at hinintay siyang ipagpatuloy ang sinasabi niya. Ngunit sa halip na magpatuloy ay nakakurap lang siya at nag-iwas ng tingin.
Kaya naman nang hindi siya nag-salita, ako na lang ang nagpatuloy.
"Alam kong hindi ka makikinig sa akin pero for once, Sven... stop with that stunt and never drag my job into your childish acts ever again! You are my liability and if ever something bad happens to you, it's over for me. Hindi ako nandito para makipaglaro o makipaglokohan sa'yo. I'm here because I just want to do this fucking mission and get this over with. Hindi na tayo bata! Please..."
BINABASA MO ANG
The End of It All (Castellaño Series #2)
RomanceHe was my soulmate who wasn't meant to be.