Song: Never Break- John Legend
Innocent
Ilang araw na ang nakalipas simula nang bumalik kami rito sa Quezon. Hindi ko maiwasang mangulila sa naging buhay ko sa syudad dahil iyon na ang nakasanayan ko nitong nagdaang panahon.
Dito man ako lumaki noon, pero sa Maynila ko mas nakilala ang sarili ko. Sa lugar rin na iyon nakilala ang dalawang taong malapit sa puso ko.
Ngunit pagkatapos ng lahat ng nangyari, hindi ako sigurado kung ang dating samahan namin... ay mananatili pa.
We disappeared in a plain sight. Basta nalang kaming umalis nang walang paalam kahit wala kaming may kasalanan. Hindi ko rin nagugustohan iyong pakiramdam na tinatakbuhan at tinataguan namin ang kasalanang hindi naman kami ang may gawa.
Wala na akong balita sa nangyayari kay Papa dahil sa tuwing may masasagap kami tungkol doon sa TV o radyo, agad iyong ipinapapatay ni Mama. Ayaw na niyang makibalita pa.
Kung hindi kaya kami umalis noon... hanggang ngayon ba kinukwestyon parin kami? Iisipin ba ng mga 'yon na kasabwat kami sa nangyari dahil involved kami kay Papa? Dahil kami ang pamilya niya at alam namin ang nangyari?
But Papa is doing something behind our back. Hindi namin alam na sangkot na pala siya sa isang sindikato. Hindi ko rin aakalain na magagawa niya iyon kahit na ang ganda ng naging pakikitungo ng mga Castellaño sakanya.
Pero sa likod ng mga bagay na iyon, sigurado parin ako na hindi si Papa ang may gawa no'n. Gusto kong patunayan na inosente siya. Pero hindi ko alam kung paano.
Hindi ko rin nagugustohan na basta nalang sumusuko si Mama dahil lang mas malalaking tao ang makakalaban. Pero karapatan ni Papa ang usapan dito! Karapatan niyang mapatunayan na hindi siya ang may gawa sa kung ano man ang ibibintang sakanya.
Pupwede siyang makasuhan na involved siya sa mastermind ng krimen na iyon. Pero kung sakanya ibubuntong ang nangyari? Hindi ko alam ang iisipin...
Tahimik kong tinutulungan si Lola sa pagwawalis dito sa maliit naming bakuran. Matanda na si Lola at hindi na pupwedeng masyadong mag-gagalaw dahil baka kung mapano pa siya. Kaya ako na ang nagpresenta na gumawa ng mabibigat na gawain.
"Zia, pagkatapos mo diyan, pakilipat nalang ang mga ito sa labas ah?" tinuro niya ang isang sako ng basura.
"Opo, La!" Sabi ko at pinagpatuloy ang pagwawalis ng mga nalaglag na dahon mula sa puno ng mangga.
Nang matapos ako, lahat ng mga naipon kong dahon mula sa pag-wawalis ay isinama ko doon sa basurang ipapatapon ni Lola. Itinali ko ang sako para walang malaglag na basura habang buhat ko ito.
I groaned as I carry the sack. Dahan-dahan ang lakad ko patungo sa gate naming gawa sa kahoy. Binuksan ko iyon at iniwan ang basura sa gilid. Mamaya maya ay may kukuha din niyan.
Pinagpagan ko ang aking mga kamay at pumasok na sa bahay upang maghugas. Saktong pagpasok ko ay naririnig kong inuulat ang balita tungkol kay Papa sa TV.
Hindi ata napansin ni Lola na naiwan niyang bukas ito. Bumuka ang bibig ko nang ipakita si Papa habang pinapalibutan ng pulis. Nakasuot siya ng damit na pang-preso at nakaposas ang magkabilang kamay.
Nanatili lang siyang nakayuko habang iginigiya papasok sa isang court room.
"Suspect sa pag-patay kay Prosecutor Astrid Castellaño, dadaan na sa paglilitis sa Biyernes." Iyon ang naging panimula ng balita.
"Naging usap-usapan sa buong bansa ang nangyaring pagpatay sa kilalang prosecutor na si Astrid Castellaño. Ang suspect, ang sariling driver ng pamilya. Nababalitang may tinatrabahong itong kaso na siyang dapat ililitis noong nakaraang Biyernes. Ngunit nang dahil sa nangyari, hindi na ito natuloy.
"Mababalitang agad na nahuli ang suspect dahil hindi na rin itong nagkatangka pang tumakas. Desidido din ang asawa at pamilya ng biktima na kasuhan ang suspect,"
Sunod namang ipinakita sa TV ang lamay ni Tita Astrid. Agad kong naramdaman ang pag-landas ng luha sa aking mga mata nang dahil sa nakita. Nahagip si Sven at Isaias sa balita. Kitang-kita ko sa mukha ng dalawa ang hinagpis. Lalong-lalo na kay Sven.
"Sinubukan din naming kuhanin ang pahayag ng pamilya ngunit hindi nila kami pinaunlakan. Sa isang banda naman, napanayam namin ang suspect tungkol sa nangyari..." the video then transitioned to Papa's.
Napasinghap ako nang makitang pinapalibutan siya ng media na gustong kuhanin ang panayam niya. Nanatiling nakayuko lang si Papa habang sinusubukan ng mga pulis na hawiin ang mediang nagkukumpulan sa dinadaanan nila.
"Totoo ba na ikaw ang may gawa sa pagpatay kay Prosecutor Astrid Castellaño?"
"Ano ho ang pumasok sa isip ninyo para gawin iyon?"
"Sa tingin niyo ho ba ilalaban niyo parin ang kaso niyong ito kahit na marami nang ibinabato sainyo?"
Sunod-sunod pa ang mga tanong na natanggap ni Papa pero ni isa ay wala siyang sinagot.
"Zia, nagawa mo na ba-"
Hindi na naituloy pa ni Lola ang sasabihin niya nang makita niya ang pinapanood ko. Naramdaman kong napatakbo siya patungo sa TV at agad na pinatay iyon. Maluha-luha ko siyang binalingan ng tingin.
"Anong ginagawa mo, Zia? Ano ang bilin namin ng Mama mo sa'yo ha?!"
"P-Pero si Papa, La..."
"Sigurado akong magagalit ang Mama mo sa'yo kapag nalaman niyang pinipilit mo paring alamin ang nangyayari. Ang mabuti pa ay pumasok ka ng kwarto at magpahinga."
"P-Pero-"
Pinandilatan niya ako ng mata. "Zia... huwag nang matigas ang ulo at makinig ka nalang sa akin."
Nagpakawala ako ng malalim na hininga at pagod na yumuko. Doon bumuhos ang luha ko. I felt so powerless at that point. May alam na ako sa nangyayari pero wala akong ginagawa para man lang tulungan ang sariling ama.
Nang pumasok ako ng kwarto ay doon ko ibinuhos ang lahat. Hindi naging sapat ang mga araw na lumipas para basta ko nalang kalimutan ang nangyari kahit iyon ang gusto ni Mama na gawin ko.
Sobrang naaapektuhan parin ako at ang sakit, sakit parin sa tuwing naiisip ko. Minsan hindi ako nakakatulog ng maayos dahil umuulit sa utak ko ang nangyari.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nagkulong sa kwarto. Napamulat nalang akong muli nang bumukas ang pinto at sinalubong ako ni Mama.
"Anak... Zia, ayos ka lang ba? Sabi ng Lola mo kanina ka pa daw diyan." Tanong niya at agad na naupo sa tabi ko.
Halos gabi na palagi nakakauwi si Mama galing sa trabaho. Tumutulong siya sa isang pwesto sa palengke at paminsan-minsang nilalako ang mga kakanin na ginagawa ni Lola.
"Okay lang po ako, Ma..." bulong ko.
"Hindi ka pa daw kumakain sabi ng Lola mo. Halika at sabayan mo ako." Aniya sabay higit sa braso ko.
Wala akong nagawa kung hindi ang magpadala sa hila niya. Hinayaan ko si Mama na hainan ako ng pagkain. Naglagay siya ng isang pirasong galunggong sa plato ko.
"Binigyan nga pala ako ng kaibigan ko sa palengke ng isang kilo niyan dahil ako ang nagbantay ng pwesto niya nang umalis sila."
Sinubukan ni Mama na mag-umpisa ng usapan. Tumango lang ako bilang tugon.
"Kumain ka ng marami, Zia."
Tamad kong kinuha ang utensils at nag-umpisa na sa pag-kain. Tulog na si Lola kaya maingat kami sa ginagawang ingay.
"Ma..." tawag ko sa gitna ng kain namin. Agad niya akong nilingon at tinaasan ng kilay.
"Ano 'yon, anak?"
"Paano po ang eskwela ko? Dito na po ba ulit ako mag-aaral?"
Sandaling natigilan si Mama sa tanong ko kaya naman ay nagpatuloy ako.
"Paano po ang requirements, Mama? May hindi pa po ako natatapos sa school."
"Kapag nakahanap ako ng tyempo, babalik ako ng Manila at kakausapin ko ang Principal o registrar niyo. Makikiusap ako na sana pag-bigyan ka para hindi ka umulit kasi sayang naman. Pasensya ka na, Zia, ha?"
"Paano po kapag hindi sila pumayag?"
"Susubukan ko nalang bayaran ang naiwan mo. Baka pupwede ang gano'n."
"Pero wala po tayong pera..."
"May ipon naman kami ng... Papa mo kahit papano kaya ayos lang."
Bumuka ang bibig ko nang mabanggit si Papa. 'Yang pera ba na 'yan, nanggaling sa sindikatong kinabibilangan niya? O mula iyan sa naging sweldo nila?
Napansin ata ni Mama sa itsura ko ang pagtataka kaya nagulat ako nang masagot niya ang tanong na nasa isip ko.
"'Di bale, anak. Galing iyan sa pinaghirapan namin ng Papa mo noong... 'di pa siya kabilang doon. Hindi ko kailanman tatanggapin ang mga nakukuhang pera ng Papa mo sa grupo na iyon. 'Wag kang mag-alala."
Tahimik kaming nagpatuloy sa pag-kain. Paminsan-minsan akong napapasulyap kay Mama at nakikitang natutulala siya sa pagkain o 'di kaya sa basong nasa harap niya.
"Ma..." sinubukan kong kunin ang atensyon niya. Agad-agad rin naman siyang bumaling sa akin.
"Hmm?"
"Sa tingin mo po... bakit nagawa ni Papa na... sumali sa grupo na iyon? Bukod sa pera, ano pa?"
Nagpakawala ng malalim na hininga si Mama. Kita ko sa mga mata niya ang pagdadalawang-isip kung sasagutin niya ba itong tanong ko o hindi.
"Bukod sa pera wala na akong ibang makitang dahilan..."
Iyon ang naging huling usapan namin ni Mama sa gabing iyon. Nagpresenta na akong mag-linis para naman makapagpahinga na siya.
Sa tuwing walang ginagawa, nagpupunta ako ng computer shop nang patago sakanila Lola at Mama. Palagi kong pinagpapaalam na sa kaibigan lang ako kahit na ang totoo ay dito talaga ang tungo ko.
Pagkatapos kong makakuha ng pwesto, agad-agad kong itinipa sa internet ang tungkol sa kaso ni Papa. Madami agad ang lumabas at lahat ng iyon ay sinubukan kong isa-isahin.
Castellaño's family driver charged for first degree murder of the late Prosecutor Astrid Castellaño
Paglilitis sa kaso ng pagpatay sa pumanaw na prosecutor na si Astrid Castellaño, isusumite na sa Biyernes.
Gerald Verano, suspect, umamin na siya ang mastermind sa likod ng pagpatay kay late prosecutor Astrid Castellaño
Ang huling headline ang nakapukaw agad sa pansin ko. Umamin si Papa? Pero bakit niya gagawin 'yon? Alam niya sa sarili niya na 'di niya 'yun ginagawa kaya bakit!?
Is he going to take the fall para hindi na madamay pa ang mga kasamahan niya sa sindikatong iyon? Pero bakit?! Ano bang mayroon sa kanila at bakit hindi magawa ni Papa na ilaglag sila?
Kung umamin na si Papa... para saan pa ang paglilitis? At... kailan lang umamin si Papa? Sa Biyernes na din ba siya hahatulan?
Kung ganoon, may maaari pa bang magawa para mapatunayan na inosente siya? Kailangan ba niya ng testigo? Kung ganoon... pupwede ako! Handa akong tumestigo para kay Papa!
Sinubukan kong maghanap ng katulad sa naging kaso ni Papa.
Coercion... maaring ganoon din ang nangyari sa kaso ni Papa. Baka pinilit siya ng mga pulis o 'di kaya noong mga kasama niya sa sindikatong iyon na umamin siya!
Tiningnan kong muli ang kaso ni Papa. Nakita kong binigyan siya ng abogado kaya kinuha ko ang contact details ng abogado niya.
I printed out some files with the same case as my Papa. Iyon ang pagkakaabalahan ko habang iniisip ang pupwedeng gawin. Itatago ko nalang ito para hindi na makita ni Mama.
Saglit kong binuksan ang Facebook account ko. Saktong pagbukas ko ay nakita kong online si Sven. Pilit kong pinipigilan ang sarili na pindotin ang pangalan niya at mag-chat sakanya.
Okay ka lang ba?
Kumusta ka na?
Okay lang ba kayo ni Isaias?
Galit ba kayo sa akin?
Mariin kong ipinikit ang aking mga mata at bumuntong hininga. Pinigilan ko ang sarili ko na 'wag nang gawin iyon. Sa tingin ko hindi tama.
Sigurado akong galit sila sa akin. I am personally involved with the person who allegedly killed their mother. May karapatan silang magalit.
It's Tita Astrid after all. It's their beloved mother.
Nilog-out ko ang Facebook account ko at binayaran na ang oras na tinagal ko sa pag-computer. Binayaran ko na rin ang mga pina-print ko.
Kinagabihan, bago makauwi si Mama galing palengke, itinago ko ang mga pina-print kong iyon sa tukador. Kanina ko pa iyon binabasa at napag-alaman ko na maaaring may kinalaman ang psychological pressure kaya napaamin si Papa sa kasalanang hindi niya naman ginawa.
Papa is probably stressed, tired, and traumatized that he had no choice but to admit to the crime that he did not commit.
Dali-dali kong isinara ang tukador nang pumasok si Mama sa kwarto.
"O, Zia! Gising ka pa?"
"Ah... opo. Nag-ayos po kasi ako ng kwarto."
Tumango siya at inilibot ang tingin. Nagpakawala siya ng malalim na hininga bago nahiga sa kama.
"Halika na dito sa tabi ko, Zia, at gabi na. Matulog na tayo."
"Opo, Ma."
Sinilip kong muli ang itinago ko sa tukador. Sinama ko na doon ang ipon ko na maaaring makatulong sa akin sa pag-luwas sa Maynila. May oras pa ako para damayan si Papa.
Tetestigo ako para kay Papa. Hindi ko kayang panoorin siya na mabulok sa kulungan dahil sa kasalanang hindi niya naman ginawa.
Hindi ko na iisipin pa kung ano ang magiging tingin ng magkapatid sa gagawin ko. Ang mahalaga sa akin ngayon ay ang mapatunayan ko na inosente si Papa.
BINABASA MO ANG
The End of It All (Castellaño Series #2)
RomanceHe was my soulmate who wasn't meant to be.