Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Song: I GUESS I'M IN LOVE - Clinton Kane
News
Maayos ang naging daloy ng kasal.
Sven happily grabbed both of my cheeks when the priest announced that he can now kiss his bride. Wala sa sarili akong napangiti habang inaantisipa ang pag-lapit niya.
Nahiyawan ang aming mga guests nang tuluyan nang lumapat ang labi ni Sven sa akin. I smiled in between our kiss.
I can't believe I'm married now. I am now a Mrs. Castellaño!
Pagkatapos akong halikan ni Sven ay inangat niya ang kamay ko na para bang naging kampeon siya sa isang patimpalak. Bahagya akong natawa.
Sinuyod ko naman ang mga bisita na pumapalakpak sa amin ngayon. Natigil ang mata ko sa pwesto kung nasaan ang matalik kong kaibigan na si Kiko.
Kahit na pumapalakpak at nakangiti sa amin, kita ko sa mga mata niya ang lungkot at sakit sa nangyari. Alam kong sinusubukan niyang huwag ipakita iyon, pero imposible.
Masaya ako sa araw na ito pero nalulungkot ako para sa kanya. If he could've just told me sooner then... never mind. We're really just friends.
Kahit din siguro aminin niya sa akin noon pa, wala pa ring mangyayari dahil kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kanya.
"Ikinagagalak kong ipakilala sa inyo... Mr. and Mrs. Castellaño!"
Muling naghiyawan ang aming mga inimbitahan matapos sabihin ng pari iyon. Nawala lang ang tingin ko kay Kiko nang patakan ako ni Sven ng halik sa aking pisngi.
Nilingon ko siya at nginitian.
"I love you so much, Zia," he whispered.
My smile grew bigger. "Mahal na mahal din kita, Sven."
Sven smiled and caressed my cheek before he pressed another kiss on my lips.
Agad kaming dumiretso sa reception matapos ang kasal. Maganda ang pagkakadisenyo ng lugar kaya manghang-mangha rin si Tita Lily.
"Napaka galing naman ng kinuha niyong coordinator, hijo!"
Sven scoffed a little at my auntie's remark. "She is a trusted friend of my mother. Siya rin po ang madalas mag-ayos tuwing may event na ginaganap sa mansyon noon."
"Ah... kaya pala." si Tita Lily sabay pinasadahan muli ng tingin ang buong reception.
It was indeed an intimate wedding. Wala masyadong ganap dahil pili lang din naman ang naimbitahan. Pagkatapos naming mag-sayaw, nag-entertain lang kami ng ilang guests.
"Si Kiko?" tanong ko sa kanila Jaxon nang mapansin kong wala siya sa lamesa nila.
"Uh, I don't know. Ang sabi niya lang, lalabas lang siya."