Chapter Four

5.5K 189 17
                                    

Song: A Song for Everything- Maren Morris  

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Song: A Song for Everything- Maren Morris  

Type

"Una na kami, Zia. Kita nalang tayo ulit mamayang lunch." Ani Sven pagkatapos nila akong ihatid ni Isaias sa classroom.

Tumango ako at kumaway sakanya. Isaias only nods his head once before he started walking away from our classroom. Si Sven naman ngumiti pa sa akin at tsaka kumaway.

Pagkapasok ko palang sa classroom namin ay agad ko nang naramdaman ang tinginan ng mga kaklase ko sa akin. Umangat ang kilay ko, kuryoso sa tingin nila sa akin. Ngumuso ako at nagkibit nalang ng balikat.

Sigurado naman ako na dahil iyon sa dalawang magkapatid.

Nang maupo ako sa lamesa ko, agad na nagsilapitan sa akin ang grupo nila Sheena. Sumandal pa ang mga ito sa aking lamesa, mukhang may kailangan. Muli kong inangat ang aking kilay.

"Anong meron?" kuryoso kong tanong.

"Malapit ka talaga sa mga Castellaño, ano?" si Sheena.

Tumango ako. "Oo, kasi sakanila nagtatrabaho ang Mama ko."

Some of them gasps, while the others look surprised.

"Bakit? Ano bang trabaho ng Mama mo?"

"Katulong." Confident kong sinagot dahil wala namang kahiya-hiya sa trabaho ni Mama.

Alam kong malaki ang pagkakaiba ng mga kaklase ko sa akin. Puro anak mayayaman ang nandito ako lang ata itong naligaw dahil sila Tita Astrid ang nagpapaaral sa akin kaya nakayanan din na makapasok dito.

Ngunit kahit na ganoon, hindi naman alintala sa akin iyon. Pare-parehas naman kami ng rason kung bakit kami nandito. Nandito kami para mag-aral at matuto. Hindi para magsumbatan ng yaman o kakayahan sa buhay.

Nagtinginan ang grupo. Kumunot ang noo ko pero agad rin namang nawala nang tumingin si Rica sa akin.

"So, hindi mo pala pinsan ang mga Castellaño?"

Bahagya akong tumawa at umiling. "Hindi. Malapit lang talaga kami sa isa't isa."

"Sana all." Ani ng magkakaibigan.

Naghiyawan pa ang iba, mukhang naiinggit sa akin. Base palang sa mga itsura nila, parang handa silang isugal ang lahat para lang mapunta sila sa pwesto ko. Ngumiti ako sakanila.

Sa totoo lang, 'yan ang palagi nilang tanong sa akin. Sa tuwing may gustong ipaabot sa magkapatid, ako ang nilalapitan. Ako ang nagiging messenger nang dalawang iyon eh pagdating sa kanilang mga admirers!

"Tutal... malapit ka naman sakanila Sven, baka alam mo kung anong tipo niya?" tanong ni Angelica.

"Uh..." nangapa ako sa salita.

Tipo? Hindi ko rin alam. Kahit ako kuryoso sa bagay na iyan. Wala naman nababanggit si Sven pero base sa mga nakikita kong nakakasalamuha niyang mga babae, halos mga tahimik iyon at hindi makabasag pinggan.

The End of It All (Castellaño Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon