Prologue

25.3K 403 60
                                    

Song: In My Way- Aaron Smith

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Song: In My Way- Aaron Smith

Responsibility

"Wow, Zia! Ganda mo ngayon ah?" sabi ni Kiko habang pinapasadahan ako ng tingin.

Ipinatong niya ang kanyang kamao sa kanyang bibig habang naniningkit ang mga mata. He even whistled jokingly. Inirapan ko siya at inayos ang suot kong gown.

Ngayon ang araw ng kasal ni Captain Ventura kay Dr. Donovan. Lahat kaming mga kasamahan niya sa trabaho ay imbitado sa kasal niya. If it wasn't for this special day, I wouldn't wear this damn dress!

Tinulak ko siya upang magtungo na sa aking pwesto. Sumunod naman siya at naupo sa tabi ko. The guests are starting to pile up now. Marami atang kakilala ang pamilyang Donovan kaya marami rin ang imbitado.

Nilingon ko si Kiko.

"Si Ocampo?" tanong ko.

"Ahh... nandoon pa sa kwarto kasama si Captain. Parehas nagpapapogi."

Tumango ako. Si Axel ang napiling best man ni Captain Ventura sa kasal niya. We are all expecting it to be Kiel pero nagulat nalang kami nang si Axel ang mapili niya.

"Ang engrande ng kasal 'no?" pinasadahan ni Kiko ng tingin ang buong paligid.

Nang dahil sa ginawa niya ay napapasada na rin ako ng tingin sa engrandeng setup ng kasal ni Captain Ventura. Sa isang beach resort dito sa Palawan magaganap ang kasal. I didn't know Captain was the type to have a grand wedding.

Maybe it was Margaux's idea. Tiklop naman si Captain pagdating sakanya kaya posibleng siya nga ang may gusto nito.

Natigil lang ako sa pagpasada ng tingin sa paligid nang maramdaman kong hinawakan ni Kiko ang buhok ko. Napaatras ako at kinunotan siya ng noo. His eyes widened a bit. Agad niyang binawi ang kanyang kamay.

"May... may dahon kasi." Aniya sabay nag-iwas ng tingin. "Eto oh!"

Pinakita niya ang dahon na sumabit sa aking buhok. We are under a tree so naturally a leaf will feel off because of the strong wind. Malas lang at sa akin bumagsak.

Kiko cleared his throat. Umayos siya ng upo at tumingin ng diretso. Pinagpagan ko ang aking buhok upang siguraduhin na wala nang sumabit na dahon doon.

I fixed the strap of my dress and just waited for the wedding to start.

When Jaxon started walking down the aisle, Kiko clapped his hand silently.

"Angas ni Captain!" sabi niya. I scoff.

Kiko really finds everything amusing. Pumwesto sa harap si Captain at sunod namang pumasok si Axel. Lumingon ako at nagkatinginan kami. He smiled at us.

Kahapon niya pa ako tinatanong kung ano ba ang mas bagay na suit sakanya. I told him he would look good wearing a bowtie pero hindi niya ako sinunod! Suot niya ang pinagpipilitan niyang suit and tie.

The End of It All (Castellaño Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon