Song: Still Fighting It- Lee Chan Sol
Kaibigan
Mahirap ang unang buwan namin ng training. Ang mga upperclassmen talagang sinisiguro na i-push kami hanggang sa rurok ng aming pasensya at determinasyon.
Nag-tagumpay naman ang iba dahil may iilan silang napa-quit ng 'di oras dahil sa training. Pero may iilan pa rin sa amin, kagaya ko, ang nanatili at determinadong magpatuloy.
Malaking adjustment para sa akin ang lahat ng dinadanas ko rito ngayon sa PMA. Unang buwan palang pero parang ang dami na agad nabago sa sarili ko.
'Di man madali ang training pero palagi ko nalang din sinasabi sa sarili ko na kayanin ko. Walang mangyayari sa akin kung hindi ko ipagpapatuloy ang bagay na nasimulan ko na.
Kahit tutok sa training, may iilan pa rin akong naging kaibigan kagaya ni Kiko. Masiyahin siyang tao at isa rin siya sa mga madalas na mapagalitan ng mga officers dahil sa ugali niya.
May ugali kasi siya na kahit seryoso na ang paligid, makikita mo pa rin siyang nakangiti.
"Did I tell you to smile, Cervantes?!" singhal ng isang officer sa kanya nang mapansin ang ngiti niya.
Napabuga nalang ako ng malalim na hininga nang dahil sa nasaksihan. Kahit kailan talaga ang isang 'to, e.
Sa gulat niya at agad siyang napahawak sa kanyang bibig at binawi ang ngiti, nag-seryoso na ngayon. Bakas naman sa mukha niya ang takot na maparusahan.
"Give me ten push ups." utos ng officer sa kanya.
Hindi na siya nag-salita pa at agad nalang na sinunod ang utos ng officer sa kanya. Nang matapos, agad siyang tumayo at pinagpagan ang mga kamay. Nagkatinginan kami.
Dismayado akong napailing sa kanya habang siya naman ay medyo nahihiya pang ngumiti. Nang sumigaw muli ang officer ay diretso akong tumingin sa harap.
"Okay ka lang?" tanong agad ni Kiko nang matapos ang training.
Kumunot ang noo ko. "Hindi ba't ako ang dapat mag-tanong niyan? Ikaw ang naparusahan ah?"
"Ah, ganoon ba? Sige bawiin ko nalang 'yung sinabi ko."
Inismiran ko siya at bahagyang sinamaan ng tingin. Kiko chuckled a bit.
"Joke lang! Nagtanong ako kasi... wala lang! Bawal na ba?" nang mapansin ang masama kong tingin ay binawi niya agad ang tanong niya. "Grabe! Galit ka agad!"
Ngumuso siya at pabiro akong siniko.
"Ikaw naman, Zia, parang 'di mo ko kilala. Palagi naman kitang tinatanong niyan, e. Tinatanong lang ulit kita ngayon kasi pahirap na ng pahirap ang training. Concerned lang ako sa kaibigan ko."
"Okay lang naman, Kiko," sabi ko at tinaasan siya ng kilay. "Ayan. Nasagot ko ma ang tanong mo. Okay na ba?"
Tumawa siya at ngumiti, halos maningkit na ang mata sa laki ng ngiti niya. He gave me a thumbs up.
BINABASA MO ANG
The End of It All (Castellaño Series #2)
RomanceHe was my soulmate who wasn't meant to be.