Chapter Twenty-Five

5.8K 224 26
                                    

Song: Lose- NIKI

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Song: Lose- NIKI

Questions

Agad na ipinaalam sa akin ni Andres na nakahanda na raw si Sven para sa alis ngayong gabi. Tumango ako at tumayo. Iniutos ko agad sa ibang kasama na ihanda na ang sasakyan.

Inayos ko ang coat ko at dumiretso na sa kung saan naghihintay si Sven ngayon.

Habang papalapit ako, napansin kong pagilid niya akong tiningnan. Tuluyan lang siguro siyang napabaling sa akin nang makita ang suot ko.

He eyed me from head to toe. Umangat pa ang gilid ng kanyang labi na para bang diring-diri siya sa suot ko. My forehead creased.

Ano na naman ba ang problema ng isang 'to? Pati ba naman uniporme ko, big deal pa rin sa kanya?

Hindi ko siya pinansin at dumiretso sa driver upang itanong kung handa na ba ang sasakyan at wala nang problema. Nang tumango ito ay tsaka ko muling nilingon si Sven. I opened the door for him.

"Pasok na po kayo." malamig ko sinabi.

Umangat ang kilay niya. Nanatili akong walang emosyon habang hinihintay siyang gumalaw. He cocked his head to the side and inserted one hand inside his pocket. Bumaba siya ng isang baitang.

"I rented a private room at the club. It's better if you won't be inside with me. Kami-kami lang naman ng mga kaibigan at pinsan ko ang nandoon."

Nang dahil sa sinabi niyang iyon at tsaka ko lang siya tiningnan muli sa mata.

"I'm afraid I can't let you do that, Sir."

Mabilis na gumuhit ang pagkairita sa mukha niya. His forehead creased.

"Why not?"

"I need to keep an eye-"

"By invading my personal space?"

"It's what your father wants-"

I was cut off again when he groaned.

"For once, Zia. Please listen to me. Ako ang binabantayan mo kaya sa akin ka makinig!"

"Pero siya ang nagpapasweldo sa akin kaya nararapat lang na siya ang mas sundin ko." sipat ko sa kanya.

Sven groaned in irritation agad. Inirapan niya ako. Sa halip na makipagtalo pa ay pumasok na lang siya sa loob ng sasakyan.

Humarap ako sa kanila para sana ako na ang mag-sara ng pinto nila nang bigla naman mag-salita itong si Sven.

"And no, you're not going to sit beside me." pag-pigil niya.

Pinigilan ko ang sarili na matawa sa sinabi niya. Akala niya ba tatabihan ko siya?

"Hindi naman po talaga ako tatabi sa'yo dahil sa harap po ako uupo, Sir." sagot ko. Napabaling naman ang mata ko kay Karl na mukhang nagpipigil ng tawa ngayon.

The End of It All (Castellaño Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon