Chapter Twenty-Seven

5.5K 245 43
                                    

Song: What Other People Say- Sam Fischer & Demi Lovato

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Song: What Other People Say- Sam Fischer & Demi Lovato

Yakap

"Woah, Addie!"

Sa gulat sa ginawa ni Addison ay bahagya itong naitulak ni Sven palayo sa kanya. Natawa siya. Addison doesn't seem to be bothered by it. Mukhang nagustohan niya pa.

Matamis siyang ngumiti kay Sven matapos ang kanilang halik. Habang si Sven naman ay wala sa sariling bumaling ng tingin sa direksyon namin. Siya na ang unang umiwas nang magkatinginan kami.

Hindi naman sa malaki ang naging epekto nang nakita ko. Hindi ko lang inaasahan na ganoon niya sasalubungin si Sven.

Sa pagkakaalala ko kasi mula sa naging usapan nila ni Isaias, break na sila ni Addison. Kaya nakakabigla lang na hinalikan niya ni Sven na para bang hindi natapos ang relasyon nila.

Dinaan nalang ni Sven sa tawa ang ginawa ni Addison. He then guided her towards the reserved table for them. Kami naman ng mga kasama ko ay nanatili lang nakabantay sa kanila.

"Ganda pala ng girlfriend ni Sir." Sambit ni Karl.

Pagilid ko naman siyang tiningnan at napansing pinapanood niya lang ang dalawa habang nag-uusap ito.

Simula nang dumating ang pagkain nila, hindi na natigil ang usapan nila. Sa tuwing nagagawi ang mga mata ko sa kanila, palagi kong nakikita ang paminsan-minsang pag-haplos ni Addison sa braso ni Sven.

At dahil hindi naman ako apektado, inilulubay ko nalang ang tingin ko at itinutuon ang atensyon sa ibang bagay.

Pakiramdam ko matagal silang hindi nagkita dahil mukhang ang daming naging baon na kwento ni Addison. She seems happy with him though. Nakikita ko ang pagkinang ng mata niya habang kausap niya si Sven.

Kung si Addison ay masaya na makita siyang muli, si Sven naman... ewan ko. Sa tuwing napapatingin ako sa kanila, hindi ko mawari ang ekpresyon niya.

Hindi ko alam kung tunay na ngiti pa ba iyong ginagawad niya sa tuwing may panibagong kwento si Addison o napipilitan lang siyang mapangiti para isipin ng kasama niya na nakikinig siya.

Either way, it's none of my business. I'm solely here to focus on Sven's security. I'm not here to focus on their every move.

Ilang minuto rin ang makalipas ay dumating naman ang order ni Sven para sa amin. Hindi ko inaasahan iyon. Tiningnan ko ang mga kasama ko at sinabihan sila na mauna na sila.

"Sabay na ho tayo, Ma'am. Baka lumamig pa itong pagkain mo." Aya ni Andres.

"Hindi. Ayos lang ako."

Ngumuso si Andres. Dahan-dahan siyang umupo sa silya dahil mukhang nag-dadalawang isip pa siya kung hahayaan niya nga ba ako o hindi. Tinanguan ko na lamang siya para tuluyan na rin siyang kumain.

The End of It All (Castellaño Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon