Song: Head Above Water- Avril Lavigne
Mission
"Captain, on your left!"
Naalerto ako nang marinig ko ang sigaw ni Ocampo mula sa radio. Agad akong sumilip sa viewfinder ng sniper upang tingnan ang nangyayari. Bago pa maikasa at maiputok ni Captain Ventura ang kanyang baril ay naunahan ko na siya.
I shot the terrorist. He immediately got down on his knees within a second. Nabigla ang mga kasama ko.
"I got you covered, Captain." sabi ko sa radyo. Nakita ko ang pag-ngisi niya mula sa viewfinder.
"Thanks." he replied.
Gumalaw na silang muli. Masugid ko lang silang tinitingnan mula sa viewfinder. Sinisiguro na walang sino man ang makakalapit sa kanila habang tinatahak nila ang daan papunta sa building na iyon.
We have been notified that there's an abandoned building with people hiding in it. Nag-aalala kami na baka pugad na iyon ng mga terorista at baka kung ano ang gawin nila sa mga sibilyan. Kailangan naming mag-ingat.
Ngayon na papunta palang sila roon, sinasalubong na sila ng mga kalaban, paano pa kaya kung nakalapit na sila?
Tinapat ko ang sniper na hawak ko kung saan-saan. Tinatapat sa bawat sulok na maaaring may teroristang nagtatago. Dahan-dahan ang lakad nila patungo sa building na iyon.
Umayos ako ng pwesto nang makita kong nagtago ang mga kasama ko. Sabay-sabay silang yumuko at nagtago sa nakaparadang sasakyan. Itinapat ko ang sniper doon sa building at nakita ang isang terorista na papalabas.
"We're going to gas our way in." sabi ni Captain.
"I got clear vision on the target, Cap." I informed him.
"Not yet, Verano. There are more inside. Don't waste your bullets on just one opponent."
"I've got so much here, Cap."
Captain Ventura chuckled on the other line. "We can handle a single opponent, Verano. Shoot when it's necessary. Copy?"
I rolled my eyes. Babarilin na nga para tapos na at makapasok na sila, ayaw pa?
"Copy that, Cap."
"Good."
Naging tahimik ang radio namin. Sa tingin ko naghahanda na sila sa pag-sugod nila. Nakita ko ang pag-gulong noong tear gas papalapit sa pwesto noong terorista. Nabigla ata ito at agad na tinutok ang baril kung saan.
Handa na sana siyang magpaputok nang bigla namang lumawak ang usok. He started coughing. Naging hudyat iyon ng mga kasama ko na lumusob na.
"Verano, be on the lookout." sabi ni Captain.
"Roger that."
Sunod-sunod na putok ng baril ang bumalot sa buong lugar. Sinubukan kong makakuha ng magandang aim pero malaki ang usok at wala akong makita. Baka kung napano na ang mga kasama ko.
BINABASA MO ANG
The End of It All (Castellaño Series #2)
RomanceHe was my soulmate who wasn't meant to be.