Chapter Five

5.4K 159 21
                                    

Song: Happy For You- Jayda

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Song: Happy For You- Jayda

Happy

"Seriously, Zia, gano'n ang mga type mo?" 

Uwian na't lahat-lahat at ilang oras na rin ang nakalipas simula ng encounter namin kay Fred kaninang lunch ay iyon parin ang bukambibig ni Sven.

Napairap ako sa kawalan at hindi siya pinansin.

Meanwhile, Isaias is only chuckling lightly beside him. As if he is enjoying this scene. 'Tong lalaking 'to, e, patahi-tahimik lang pero may kademonyohan rin, e.

"Gano'n ang tipo mo? Patpatin... maliit... lubog na ang mukha... pangit."

Nang sabihin niya ang huling salita ay doon na ako napabaling sakanya. How insensitive of him. Hindi dahil maganda ang itsura at pangangatawan niya, may karapatan na siyang mang-lait ng iba.

At ang OA! Hindi naman ganoon ang itsura ni Fred! Mas maayos pa 'yon kaysa sa inaakala niya.

"Ano bang problema mo? Kanina ka pa ah!" pinandilatan ko siya ng mata.

Sa halip na matakot ay mukhang nang-hamon pa ang isang 'to. He cocked his head to the side and crossed his arms over his chest. Tinaasan niya ako ng kilay.

"So, gusto mo nga ang isang 'yon? Gano'n pala ang mga tipo mo ha? Mga nerds."

"At ano naman sa'yo? Sa pagkakatanda ko, wala kang karapatan para pakealaman ang gusto ko. At isa pa, sino bang may sabi sa'yo na pwede ka nalang manglait ha? Anong ginawa ni Fred sa'yo para pagsalitaan mo siya ng ganyan?"

"Well, I'm just being honest. Sinasabi ko lang ang napapansin ko-"

"Hindi na pagpansin ang ginagawa mo, Sven. Pang-lalait na." ako naman ang humalukipkip ngayon.

Napaatras siya at tinaas ang dalawang kamay.

"Whoa! Chill out, Asphazia. I didn't mean to offend your feelings. Hindi ko naman alam na ganoon na pala kalaki ang pagkagusto mo sa isang 'yon. If there's anything I said that offended you, I'm sorry."

Umirap ako at hindi na muling itinuon ang pansin sakanya. Nagpatuloy lang kami sa paghihintay kay Papa sa parking ng school. It's unusual that he's late today. Madalas ay hindi pa namin dismissal, nandito na agad siya sa school at naghihintay.

Nasaan na kaya siya? Sana naman hindi siya naaksidente o nabunggo kung saan.

Ilang sandali lang kami natahimik hangga't sa tanungin na naman akong muli ni Sven tungkol kay Fred.

"Pero, hindi nga, Zia? Type mo 'yon?" lumapit pa talaga siya sa akin para lang ibulong 'yon.

Ang kaninang pinipigilan na tawa ni Isaias kanina ay lumabas na. He started bursting out of laughter because of his brother. Si Sven napangisi pa kaya mas lalo ko silang matalim na tiningnan.

The End of It All (Castellaño Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon