Chapter Thirty-Two

5.7K 192 18
                                    

Song: Hotel Room- Calum Scott

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Song: Hotel Room- Calum Scott

Comfort 

Pagkatapos kong bumisita kay Papa ay agad naman akong bumalik ng mansyon nila Sven. Nandoon pa rin si Addison dahil nakita ko pang nakaparada ang sasakyan nila sa harap.

Nakasalubong ko si Karl habang papasok siya sa loob ng mansyon kaya tinanong ko siya kung nandiyan pa ba si Addison para lang makasiguro.

"Ah, oo, Ma'am. Medyo kanina pa nga po siya narito. Pero mukhang pauwi na rin po siya, e. Magbabantay po ba kayo kay Sir Sven?"

Tumango ako. Sinabi ni Sven sa akin na dumiretso ako sa kanya pag-uwi ko para ipaalam ko sa kanya ang naging desisyon ni Papa. Gusto niya rin daw ako sabihan agad kung sakaling may nakuha siya kay Addison.

Pagkatapos kong magpalit ay agad din akong dumiretso papasok ng mansyon nila. Nakita ko sila sa may sala, nagtatawanan.

"Oh, Sven! You're so silly!" nadinig kong sambit ni Addison habang sumisimsim sa kanyang tsaa.

Ngumisi lang si Sven at agad namang nagawi ang tingin sa akin nang pumwesto ako sa gilid. Napansin ata ni Addison ang tinitingnan niya kaya napabaling din siya ng tingin sa akin. Magalang akong yumuko sa kanya bilang pagbati.

"Oh! I didn't know you have a lady bodyguard."

"Kasama ko na siya noong nagkita tayo ulit. Maybe you were too preoccupied with my handsome face for you to notice."

Humalakhak si Addison at pabirong pinalo ang braso ni Sven. Nakitawa naman si Sven at tumingin sa akin. He made a face. Kinunotan ko siya ng noo.

"Well, you're not wrong about that though..." malambing na sinabi ni Addison.

Hindi ko alam kung may nakuha bang impormasyon si Sven sa kanya gayong parang naghaharutan lang sila rito magdamag.

Ilang sandali pa ang tinagal ni Addison doon bago siya tuluyang magpaalam.

"Sven, it was so nice to see you again. And thanks for letting me come over! Next time ikaw naman ang magpunta sa amin. I'm sure my parents would love to see you there!"

Nagustohan ni Sven ang suggestion niyang iyon kaya siya napangiti.

"Sure! I would love to! Just tell me when so I can free my schedule for it."

"Okay!"

Hinatid niya si Addison palabas. Sumunod naman ako.

Nang mapansin ni Addison na nakasunod ako sa kanila ay tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Parang tinatansya niya ako base sa tingin niya.

"Does she really have to always follow you around?" Addison asked.

Nilingon ako ni Sven. "Uh, yeah. My Dad wants me to be guarded all the time. He's just afraid I might do another stint."

The End of It All (Castellaño Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon