Song: Her- Anne-Marie
Mahal
Plano kong umalis kapag pumasok na si Mama sa trabaho. Tutulungan ko lang sandali si Lola sa gawaing bahay at tsaka ko na susubukan tumakas para puntahan si Papa.
Mahilig kasi si Lola mag-pahinga at umidlip ulit pag-tapos namin mag-linis. Sa tingin ko iyon na ang magandang oportunidad para makatakas ako.
Kailangan na kailangan kong puntahan si Papa. Hindi ko kaya na hahayaan ko lang siyang makulong sa isang bagay na hindi naman siya ang may gawa. Sigurado akong napilitan lang siyang umamin.
Hindi ko man maintindihan pa ng sobra ang nangyayari pero sa palagay ko, maaaring may kinalaman kung sino man ang sindikatong kinabilangan niya dito. Maybe they are the ones who forced my Papa to get involved with their plan on killing Tita Astrid.
Maaaring sila rin ang nag-pumilit sa kanya na akuin ang kasalanan nila. Ginawa nilang sakripisyo si Papa at hindi ko kayang panoorin nalang siya na pag-bayaran ang mga kasalanan nila.
He might be involved with that syndicate but he has nothing to do with pulling the trigger that killed Tita Astrid. Hanggang ngayon sariwa parin sa utak ko ang pangyayaring iyon at sa tingin ko hindi ko iyon basta-basta makakalimutan
Para 'yong isang bangungot. Bangungot na gusto kong kalimutan pero ang hirap. Iyon ang sumira ng buhay namin. Iyon ang dahilan kung bakit kami naririto ngayon.
Hindi kami dapat nag-tatago pero dahil mahirap lang kami, gaya ng sabi ni Mama, kailangan. Dahil wala naman kaming laban sa mga kagaya ng pamilya ni Sven.
"O, Zia, ang aga mo atang gumising."
Nabigla ako nang salubungin ako ni Mama sa may kusina. May hawak siya na isang tasa ng kape habang nag-luluto ng umagahan. Oo, maaga pa nga para bumangon ako. Pero hindi ko naman inaasahan na naririto parin si Mama.
Akala ko ba palagi siyang maagang pumapasok sa trabaho? Bakit nandidito parin siya?
Sa sobrang pagkabigla ko, hindi agad ako nakapagsalita. Nanatili lang akong nakatayo roon at hindi makapaniwalang nakatingin kay Mama. Nagugulohan niya naman akong tiningnan.
"Anong problema, anak? Gutom ka na ba?"
"Wala ka po bang pasok ngayon, Mama?" binalewala ko ang tanong niya.
Sumimsim niya mula sa kanyang kape bago niya 'to ibaba siya sa lamesa. Nilingon ko naman ang sala at nakita si Lola na abala na sa pag-lilinis ngayon. Bumuka ang bibig ko.
"Medyo masama kasi ang pakiramdam ko kaya hindi muna ako makakapasok ng trabaho. Halika rito at sabayan mo na ako mag-umagahan."
Napakurap ako sa sinabi ni Mama. Hindi ko aakalain na sa lahat talaga ng oras, ngayon ko pa nasaktohan na hindi siya papasok ng trabaho.
BINABASA MO ANG
The End of It All (Castellaño Series #2)
RomansaHe was my soulmate who wasn't meant to be.