Chapter Twenty-One

5.7K 183 32
                                    

Song: Last Time I Say Sorry- Kane Brown & John Legend

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Song: Last Time I Say Sorry- Kane Brown & John Legend

Mission

Walang gana akong naglakad patungo sa opisina ni Jaxon. May pakiramdam talaga ako kung ano ang tatanungin niya. pero tumuloy parin ako dahil iyon ang inutos niya.

Hindi ko alam kung bakit sobrang problemado niya sa bagay na ito. Siguro tama nga ang hula ko na may nararamdaman siya kay Dr. Donovan kaya masyado niyang prinoproblema ang hindi pag-pansin sa kanya nito.

"Come in." nadinig kong sinabi niya sa likod ng pinto.

Pinihit ko ang door knob ng pinto niya at dahan-dahang pumasok sa loob.

"Pinapatawag mo raw ako, Captain?"

"Ah... yes. I just have this concern-"

"If this is about Dr. Donovan ignoring you, I'm sorry pero wala kang makukuha sa akin."

Napabuka ng bibig si Jaxon sa gulat, mukhang hindi inaasahan na alam ko na agad ang pakay niya sa akin. Sa halip na manatiling gulat, nagawa niyang suminghal at ngumisi. Minasahe niya ang kanyang baba habang nakatingin sa akin.

He looks at me amusedly. Umiling pa siya at saglit na nangapa ng salita.

"How did you know?" tanong niya.

"Axel."

Natawa naman siyang muli. Inalis niya ang sarili mula sa pagkakasandal sa kanyang swivel chair. He leaned against his desk and clasped his hands over the table.

"I was just hoping to get answers from a woman's point of view. I don't know what to do and-"

"You asked the wrong person, Sir. I'm sorry." Agad kong pagputol sa sinasabi niya.

Tumalikod na ako sa kanya dahil ayaw ko nang magpatuloy 'tong usapan namin na 'to dahil totoo naman ang sinabi ko sa kanya. Wala siyang makukuha sa akin.

Wala akong alam sa ganyan. Magkaiba rin kami ni Dr. Donovan. Maaring gumana sa kanya ang mga bagay na sa tingin ko hindi gagana sa akin kaya 'di ko rin alam. Hindi ako iyong tipo na kailangan pang suyuin. Kapag ayaw ko, bahala ka sa buhay mo.

Lalabas na sana ako ng opisina niya nang bigla niya naman akong pigilan.

"Wait! Haven't you been in love?"

Hinarap ko siyang muli. The side of my lips rose when I scoffed. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Are you implying that you're in love with Dr. Donovan, Sir?"

He quickly moved his gaze away from me. 'Di ko maiwasang mapangisi nang dahil sa naging reaksyon niya. Hindi rin naman nakakagulat na tama nga ang hinala ko dahil ngayon ko lang din nakita si Jaxon na ganito sa ilang taon ko na siyang nakakasama sa trabaho.

The End of It All (Castellaño Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon