Song: All You Need To Know- Gryffin and SLANDER ft. Calle Lehmann
Excuse
Napakurap ako dahil hindi ako makapaniwala na narito si Sven. Hindi ba't busy siya mag-jogging?
Umayos si Kiko at magalang na bumati sa kanya.
"Uh, Sir. Magandang umaga po."
Sven eyed him from head to toe. Nakita kong nagulat si Kiko sa ginawa niyang iyon kaya siya napaatras ng kaunti. Ngumuso siya.
"Hindi naman siya galit 'no?" Bulong niya sa akin.
Hindi ko pinansin ang sinabi niya at nanatili lang ang tingin kay Sven.
"Who is he?" sa wakas ay nagsalita na rin siya matapos ang ilang minuto.
"Ah... Kiko-"
"Kaibigan ko ho, Sir." pagputol ko sa sasabihin sana ni Kiko.
Naguluhan ang kaibigan ko kaya kunot noo niya akong nilingon. Binawi niya rin ang nakalahad niyang kamay dahil sa pag-pigil ko.
Sven raised a brow. "A friend?"
Tumango lamang ako.
"So, you hug your friends like that huh?"
My forehead creased. Here he goes again. Hindi ko na talaga siya makuha minsan. Para bang lagi nalang mali ang ginagawa ko sa mata niya!
Kung pupwede ko lang isumbat iyong ginawa nila ni Addison, talagang ginawa ko na. Hindi na naman sila 'di ba? So, bakit ganoon sila magsalubungan?
Kung tutuosin, mas malala pa nga ang ginawa nila kaysa rito, e. At isa pa, ano naman sa kanya?
"May kailangan po ba kayo?"
Sa halip na sumagot ay iyon nalang ang sinabi ko. Ano ba kasing ginagawa niya rito? Bakit 'di niya nalang abalahin muli ang sarili sa pag-jogging kaysa sa nakikialam siya rito?
Umiling siya. "Nothing. I just checked to see what you were so excited about. Turns out... never mind. I'll go get inside now. Ikaw na ang magbabantay sa akin 'di ba?"
"Si Karl parin po ang nakaassign sa inyo. Day off ko po ngayon."
His mouth parted. "So, aalis kayo?"
Nilingon ko si Kiko na inosente lang na nakikinig sa usapan namin ni Sven. Napabling din siya sa akin at nagkibit ng balikat.
"May kailangan pa po ba kayo?" pagbato ko muli ng tanong sa kanya.
Bakit ba ang dami niyang tanong? Kakasabi niya lang na wala siyang kailangan 'di ba? Bakit 'di pa siya umaalis?
Nakita ko agad ang iritasyon sa mukha niya nang dahil sa naging tanong ko. He clenched his jaw.
"Fine. Whatever."
Tinapunan niya muna ng mapanghusgang tingin si Kiko bago siya tuluyang pumasok ng mansyon nila.
BINABASA MO ANG
The End of It All (Castellaño Series #2)
RomanceHe was my soulmate who wasn't meant to be.