Song: Heather- Conan Gray
Worried
Hailey and Sven have been dating for a year now.
Simula nang maging sila, mas napapadalas na ang pag-sabay ni Hailey sa amin tuwing lunch. Nakakapanibago nung una syempre dahil nasanay ako na kaming tatlo lang nila Isaias ang magkakasabay noon.
Kaya ngayong apat na kami na magkakasama palagi, medyo nanibago ako.
It was hard adjusting to the fact Sven's got a girlfriend now. Ang grupo nila Sheena hindi maka-move on nang malaman nila ang balita. Ako pa ang sinisi dahil naunahan sila.
Gusto kong matawa nang oras na 'yon. Ako nga 'tong sobrang lapit na kay Sven, di parin nakascore. Sila pa kaya?
Mabait naman si Hailey at masaya rin kausap. 'Yun nga lang, hindi ko alam kung paano ko siya pakikisamahan gayong parehas lang kami ng nararamdaman para kay Sven.
I tried ignoring my feelings for him though because I think it was wrong to like him. But the more that I ignore it, the more it piles up inside and the more it becomes intense.
Pero wala, e... mali 'to... kaya hahayaan ko nalang din siyang sumaya... kahit pa sa piling ng iba.
No matter how hard I try, I'm only going to be his friend and nothing more. Hindi mag-iiba ang tingin niya sa akin. At kung aamin man ako sakanya, ayaw kong maging rason iyon para mag-iba ang tungo namin sa isa't isa. It would just make things awkward.
Mas mabuti na 'yung ganito. Ayokong masira ang pagkakaibigan namin.
I don't want to lose him because of this stupid feeling. Lilipas din naman 'to...
Mabilis kong tinapos ang pagkain ko. Agad akong nag-ligpit at tumayo na. Sinundan nila ako ng tingin.
"Una na ako." sabi ko.
"Nagmamadali ka?" kunot noong tanong ni Sven.
Bumuka ang bibig ko. Hindi ko alam kung paano ko ba ipapaliwanag lalo na't nasa harap lang namin si Hailey.
"Uh, may... may aasikasuhin lang sa classroom." Turo ko sa likod ko.
Isaias raised a brow, mukhang nagdududa sa rason ko. 'Yan na naman siya sa kakaganyan niya.
Ngumuso si Sven at tumango nalang bago balingan muli ng tingin si Hailey. They continued with their conversation. Sandali akong napatitig sakanila at napabuntong hininga nalang.
Bago ako umalis sa pwesto ko ay nakita ko ang pag-ngisi at pag-iling ni Isaias. Sinamaan ko naman siya ng tingin nang magkatinginan kami.
May pakiramdam ako na may alam 'to, e... ayaw lang sabihin.
Pero tama lang iyon. Hindi naman siya insensitive at hindi naman siya nagsasabi ng kung anu-ano lalo na't kung hindi naman importante.
I glanced at Hailey and Sven for the last time before walking away from the table.
BINABASA MO ANG
The End of It All (Castellaño Series #2)
RomansHe was my soulmate who wasn't meant to be.