Song: Sa'Yo (From "Last Night") - Ebe Dancel
Marry
Trigger Warning: Self-harm
Hindi na namin hinintay pang mag-umpisa ang show ni Aria at basta na lang kaming umalis para puntahan si Addison.
Sven looks uneasy while we were on our way. Maya't maya niya tinitingnan ang telepono niya, umaaasang makakakuha siya ng balita tungkol kay Addison.
I know he's doing this out of conscience. Kahit na gusto niyang masaksihan ang pinsan na abutin ang pangarap niya, ayaw niya rin naman maging dahilan para saktan ni Addison ang sarili niya.
It will haunt him forever in case Addison does that. And as a person who... loves him, I don't want him to live a life full of regrets. Ayaw ko rin na mabuhay siya na bitbit ang konsensyang ito.
God knows what Addison can do. Kahit ang mga magulang niya hindi na rin alam ang gagawin kaya sa tingin ko hindi na biro ang sitwasyon niya.
Isinugod na raw si Addison sa ospital ngayon dahil nawalan ito ng malay habang sinusubukang saktan ang sarili niya. Sven panicked and asked the driver to drive at its full speed.
"Sven, calm down." sabi ko.
"How?!" marahas siyang bumaling sa akin. "If something bad happens to her, I don't know how I'll forgive myself! I shouldn't have to lead her on. I should've known better!"
Alam kong mali rin ang ginawa niyang iyon pero hindi ko rin siya masisisi. He's desperate to know the person behind his mother's death that it lead him to use Addison for information. Ilang taon ipinagkait sa kanya ang kasagutang iyon kaya naiintindihan ko kung bakit kinailangan niyang gawin iyon.
At isa pa, hindi naman niya inaakalang magiging ganito kadesperada si Addison sa kanya. It's like she already depended her life on him. That if she couldn't have Sven, it would tore her apart.
Agad-agad na bumaba ng sasakyan si Sven nang makadating kami ng ospital. Bumaba rin ako pero nagdalawang isip kung tama bang sumama rin ako sa kanya sa loob.
Baka sa oras na makita ako ni Addison mas lalo siyang magwala. Ganoon pa naman din ang nangyari noong nakaraan. I was the reason why she got hysterical and caused a scene.
Pinanood ko si Sven na nagmamadaling maglakad papasok ng ospital. Inutos ko kay Andres na sumunod sa kanya. Tumango ito sa akin at sinubukang habulin si Sven.
Tumalikod ako para sana pumasok muli ng sasakyan at hintayin na lang siyang makabalik, nang madinig kong tawagin ni Sven ang pangalan ko.
"Zia!"
Agad akong napabaling ng tingin sa kanya. Tumatakbo siya patungo sa akin. I raised a brow.
Huminto siya sa harap ko at hinabol ang hininga.
BINABASA MO ANG
The End of It All (Castellaño Series #2)
Любовные романыHe was my soulmate who wasn't meant to be.