Song: Maze (While You Were Sleeping OST)- Kim Na Young
Dream
Nangapa ako sa salita nang purihin ako ni Fred. Hindi ko inaasahan na sasabihin niya iyon habang may kaharap na iba. I guess he's gotten more confident about himself ever since his transformation huh?
Naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko. Hindi ko magawang lingunin si Sven dahil ramdam ko iyong tensyon sa pagitan nila ni Fred. But Fred doesn't seem to mind it dahil nanatili lang siyang nakatitig sa akin, hinihintay na may sabihin ako.
"U-Uh, Salamat..." 'yun lang ang natatanggi kong nasabi.
Mas lumapad ang ngiti niya. I smiled back at him awkwardly. I roamed my eyes around uncomfortably.
Bakit ba kasi biglang umalis 'tong si Aias! Tingnan mo nga naman ang isang 'yon! Iniwan kami dito! Sobrang awkward tuloy!
Nang mahanap ko siya, nakita kong may kausap na siyang bisita ngayon. Namukhaan ko ito at naalalang minsan ko na nga pala silang nakita sa iilang party na dinadaluhan nila rito. It was Addison and her twin brother.
Matalim ang titig niya sa amin kaya nabigla ako dahil wala naman akong ginagawa para tingnan niya ako ng ganyan kasama. Malaki ba ang galit niya sa akin?
But then... when I tried to look at her again, I've found out that she wasn't glaring at me! She's glaring at Sven and Hailey! The two is obviously oblivious about Addison's glare dahil itong si Sven, nanatiling nakatitig kay Fred. Si Hailey, hinihintay ang kanyang nobyo.
Sa halip na pumasok na si Fred sa loob ay nanatili siyang nakatayo sa harap ko. Nag-isip ako ng pupwedeng sabihin kaso... wala talaga, e. I can't formulate any words inside my mind because there's just so much tension going on right now.
I glanced at Sven and Hailey from the corner of my eye. Mukhang kahit sila wala pang balak pumasok kahit na mag-uumpisa na mamaya maya ang handaan.
Kumurap ako at inikot ang tingin sa buong paligid, umaasang matutulungan ako nitong makaisip ng pupwedeng sabihin. Mabuti nalang at nagawi ang tingin ko sa kamay ni Fred. May hawak siyang regalo.
"Uh... para kay Isaias ba 'yan?" tanong ko.
Bumaba rin ang tingin niya doon at inangat ng bahagya bago tumango.
"Ah, oo. Saan ba 'to ilalagay?"
"Akin na, Fred. Ako na ang bahalang maglagay."
Despite the many birthday gifts on my hand, I still tried to reach for his gift. Medyo nahirapan lang ako at napansin ni Fred iyon kaya agad siyang nag-offer ng tulong.
"Tulungan na kita."
He crouched a bit to reach for the gifts but then a hand stopped him. Agad siyang napaangat ng tingin sa gulat.
BINABASA MO ANG
The End of It All (Castellaño Series #2)
RomanceHe was my soulmate who wasn't meant to be.