Song: Avalanche- James Arthur
Kill
"Zia, I'm not saying this for you to say it back. For years, I have waited to finally say this. I mean it."
Nanatili akong gulat na gulat na nakatingin sa kanya. Habang siya ay malumanay lang mukhang seryosong seryoso.
Gusto ko sanang hilingin na sana biro lang ang lahat ng 'to. Na panaginip lang ito at hindi 'to totoo. Pero hindi. Kahit ilang beses pa akong kumurap, paulit-ulit lang din sa aking ipapamukha na ito ang totoo.
Totoong umamin si Sven na mahal niya ako. Noon pa man!
I don't know will I sink that idea inside my mind. Parang ang hirap paniwalaan. He never showed his interest to me... or he's just too good at hiding his feelings for me not to notice it?
Kung ganoon, naramdaman niya rin kaya ang akin? Alam kong hindi ko ipinapakita. Maaaring alam ni Isaias ang tungkol doon pero wala naman siyang ginawa.
Pero si Sven... maaaring naramdaman niya pero wala rin naman siyang ginawa kaya inisip ko noon na... imposible.
Ito rin ang rason kung bakit parang ang hirap paniwalaan ng sinasabi niya.
Halos tumayo ang balahibo ko nang pinasadahan ni Sven ng daliri ang buhok ko. Inipit niya ang takas na buhok sa likod ng aking tainga at tsaka ako mataman na tiningnan.
"I love you," he said it again as if to make me believe that it was real.
My mouth parted. Hindi ko magawang mag-salita. Hindi ko rin magawang igalaw ang sarili. Why am I not doing anything!?
Tumigil na ang tugtog pero nanatili pa ring nakatingin sa akin si Sven. Unti-unti na ring nag-aalisan ang mga kanina pang nagsasayaw sa dance floor hanggang sa kaming dalawa na lang ang natira.
Napakurap ako. "U-Uh... balik na ko sa pwesto ko."
Unti-unting sumilay ang ngiti sa labi ni Sven. "Okay."
Hindi ko natagalan ang titig niya kaya agad din akong tumalikod sa kanya. Hindi naman ako kinakabahan pero grabe ang kalabog ng dibdib ko. Sobra kung maghurumentado ang puso ko.
Bigla atang nagunaw ang kagustohan kong maging propesyonal lang sa kanya. Masyado ko atang napahalata na naapektohan ako sa sinabi niya.
Lalo na ngayon na nakabalik na ko sa pwesto ko. Natanaw ko siyang nakatingin pa rin sa akin. Agad akong napaiwas ng tingin nang ngumisi siya.
Is he enjoying this? At ano ang pumasok sa isip niya para sabihin 'yon? Hindi naman siya uminom kaya imposible na lasing siya!
Damn!
Hindi ko pa tuluyang naayos ang sarili at alisin ang lahat ng iniisip, nang biglang lumapit si Andres sa akin.
"Ma'am, sinabihan po ako ng mga PSG na may threat daw pong natanggap si Madam Aria ngayon. They are now leaving the area. I suggest that we should do that as well."
BINABASA MO ANG
The End of It All (Castellaño Series #2)
RomantizmHe was my soulmate who wasn't meant to be.