Song: What About Us- P!nk
Decision
Hindi ko magawang alisin ang tingin ko sa kanya. Hanggang ngayon, hirap pa rin akong paniwalaan ang lahat ng nalaman ko ngayong gabi.
Hindi niya mahal si Addison. Ginagamit niya lang siya.
"Delikado 'yang ginagawa mo, Sven." sabi ko matapos ang ilang sandali.
"Wala akong pakealam."
Bumuka ang bibig ko. Matapang siya, oo. Para sa pamilya niya, alam kong gagawin niya ang lahat. Pero isipin niya naman ang sarili niya! May malalaking tao siyang makakalaban dito! Maaaring malagay sa panganib ang buhay niya!
"Hindi tama na ginagamit mo-"
"Wala akong pakealam," ulit niya. "Gaya mo, gusto ko lang din ng hustisya para kay Mama. Gusto kong pagbayaran ni Senator Laxamana ang lahat ng ginawa niya sa amin... pati na rin sa'yo."
Wala sa sarili akong napatitig sa kanya. Habang tumatagal ang titig ko sa kanya, mas nararamdaman ko ang determinasyon niyang gawin ang gusto niyang ito.
Parang walang ni sino man ang makakapigil sa kanya... kahit ako pa.
"Delikado ang ginagawa mo, Sven." ulit ko dahil sa totoo lang wala na akong ibang masabi kung hindi ito.
Gusto kong maramdaman niya na maaaring buhay niya ang nakasalalay dito. Na maaaring madami ang maapektohan sa ginagawa niyang ito.
"Alam ko. I wouldn't continue this if I didn't know the risks. Alam ko ang ginagawa ko, Zia. Now... if you'll just excuse me-"
"Makukuha mo nga ang gusto mo pero paano ka? Paano kung mapahamak ka?"
"Magkapatayan na kung magkapatayan, Zia. I just want justice for my mother. Gusto kong mapakulong ang kung sino ang tunay na may kasalanan nito."
I gasp at his ridiculous remark. He just can't think of death like it was something so simple. It almost felt like he's ready to face death just as long as he's doing what he wants to do.
Gaya niya, gusto ko lang din makamit ang katarungan para sa taong mahal namin. Pero hindi naman pupwedeng hayaan ko nalang na humantong ang lahat ng ito sa kapahamakan. I've been faced with war my whole life and trust me... it doesn't do anyone good.
"Hindi mo man lang ba naiisip ang Papa mo? Si Isaias? Hindi mo man lang ba iniisip kung ano ang mararamdaman nila sa oras na mapahamak ka?"
He scoffs. I look at him in the eye again and there's no humor in it. He cocked his head to the side and raised a brow at me.
"So, maybe this is the reason why my father sent you huh? Did he ask you to stop me from doing this? If that's the case then-"
"Sabihin niya man o hindi, alam kong mali 'tong pinapasok mo."
BINABASA MO ANG
The End of It All (Castellaño Series #2)
RomanceHe was my soulmate who wasn't meant to be.